GINUGUNITA ngayon ang ika-43 taon ng deklarasyon ng martial law na nagdulot ng matinding pasakit sa mamamayang Pilipino sa mahabang taon. Marami ang nawalan ng ama, ina, kapatid at anak sa ilalim ng batas militar.
Pero, ano kaya ang ti-ngin ng mga kabataan ngayon sa bangungot ng kahapon? Ilang estudyante ang tinanong namin tungkol sa Martial Law. Tatlong tanong lang ang aming i-binigay: Ano para sa iyo ang martial law? Anong aral ang natutunan mo tungkol dito? Anong isang bagay ang magpapaalala sa iyo tungkol sa Martial Law at bakit?
Narito ang kanilang mga sagot:
Christian Cleofas, 20, Far Eastern University
Martial law is a double edge sword that both help and destroyed the Philippines as a country and a unified ideology. Sometimes it takes an iron fist to straighten things up.
Isang bagay na magpapaalala sa akin ay iyong mahigpit na disiplina. Dahil naitala noon na halos walang crime rate sa bansa.
Alyza Leah Santos, 18, UP Los Banos
Bilang isang Filipino na ipinanganak ilang taon matapos ang martial law, masasabi kong isa itong paraan ng administrasyon noong mga panahon na ‘yon upang kontrolin ang taong bayan. Para sa’kin, isa itong halimbawa ng opresyon dahil na rin sa pagtanggal sa kanila ng mga karapatan magpahayag ng malaya.
Natutunan kong dapat ay maging matalino sa pagboto ang mga tao dahil may mga politikong maaaring abusuhin ang kanilang kapangyarihan.
Nagpapaalala sa’kin ng martial law ang mga Marcos dahil kahit na sabihin nating patay na ang orihinal na marcos na nagtakda ng martial law, apelyido pa rin nila ang nagdala ng martial law.
Lance Gabriel Ramoso, 17, FEU Manila
Martial law is the imposition of the highest-ranking officer as the mi-litary governor or as the head of the government. It removes the power of the previous judicial, executive and legislative branches of the government.
There was no freedom of speech. and I learned that during martial law no one can oppose the head.
Ang nagpapaalala sa akin ay ang pagkamatay ni Ninoy, kasi dito yung nagising na ang mga tao.
Samantha Cleofas, 19, UE Manila
Ito ang pag sasailalim ng judical at legislative sa executive branch. Dinedeklara ito kapag ang Pilipinas ay nagkakaroon nang rebelyon, invasion o kung kinakailangan para sa siguridad ng nakakarami.
Kapag nagkaroon ng Martial law nasusupende rin ang writ of habeas corpus. Hindi ito makatao sapagkat hindi ka malayang sabihin ang saloobin mo dahil maari kang makulang at parusahan.
Hindi makakabuti na bigyan ng masyadong malaking kapangyarihan ang militar dahil noong nangyari ito takot ang naidulot nito sa mga tao at naging masyadong madahas noon.
Hindi kaya magtagal ng mga tao sa bansang walang laya. Ang hindi ko makakalimutan tungkol dito ay ang mga political prisoners na tinorture at pinatay dahil lamang sa paghahayag ng kanilang saloobin.
Joshua D.C. Mamitag, 14, Burgos National High School
Para sa akin ang martial law ay isang mahigpit at malupit na batas pero isa ito sa paraan para madisiplina at mapabuti ang mga tao sa ating bansa.
Natutunan ko po na kailan pa ba natin ng isang malupit na batas para tayo ay tumino at magkaisa.
Nagpapaalala sa akin ay an silya elektrika dahil para sa akin ito yung tumatak sa martial law dahil madami itong napatay na tao at maraming napaiyak na pamilya.
Richard Jamil L. Abraham, 17, University of the East
Martial law is a method to protect the people of the state to any intruders or any rebellion acts.
I have learned about the declaration of martial law and the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus.
When martial law is declared the grounds for suspension of the writ is the same. I remembered it when I visited Edsa shrine because its the place where the people started a peaceful revolution against a dictatorship.
Elizabeth Feliciano, 18, University of the East
The law administered by military forces that is invoked by a government in an emergency when the civilian law enforcement agencies are unable to maintain public order and safety… yan ang sabi sa Miriam Webster pero sakin isa syang mabigat na batas na hindi dapat suwayin dahil parang ikaw mismo ang gagawa ng hukay para sa sarili mong bangkay…
Aral.. hmmm. Para sakin kahit gaano kalupit ang Martial Law, mas okay sya dahil nagiging disiplinado ang tao dahil sa takot sa gobyerno. Unlike ngayon kabilaan ang patayan dahil wala ng silang takot sa gobyerno natin.
Of course, The former President Ferdinand Marcos ang pinakamalupit na pangulo pero nakapagpatino ng ugali ng Pilipino kahit papano.
John Patrick Manalo, 17, University of the East
Ang Martial Law ay karapatang pantao na pino-protektahan ang demokratikong konstitusyon, binibigyan din ng pinuno nito ng disiplina ang mga tao. Basta natutunan ko dito yung Filipinos were forced to follow.
Kumbaga because of punishment, napilitan silang sumunod for well organized community. Siguro mga dyaryo noong araw kung kailan nai-deklara ito sa Pinas. Tyaka mga kulungan kasi diba nga ang hindi sumunod makukulong.
Roanne Airis Peralta, 19, UE Manila
Declaration siya under proclamation 1081 that suspended civil rights saka imposed military authority sa Pilipinas noong 1972 under Marcos’ regime. Matutong sumunod sa kung anong sinasabi ng nakakataas lalong lalo na kung ito ay para sa ikabubuti ng sangkatauhan.
Siguro yung domination ng government po-wer over the Filipino people kasi nakikita ko din siya sa panahon natin ngayon which is nagpapa-under tayo sa administrasyon na alam nating puro katiwalian ang hatid sa bawat isa sa atin.
Jayson Delfin, 18, UE Manila
Ang isang bansa ay nasa ilalim ng pamamahala ng militar. Kahit isang dictator ang isamg pamahalaan ay may magandang nadudulot din sa lipunan.
Marcos siya ang kaunaunahang presidente na nag-declare ng ganung pamamahala.