Malapit ng tumandang dalaga (2)

 

Sulat mula kay Clarissa ng Poblacion II, Obrero, Butuan City
Problema:
1. Ako po ay isang accountant sa isang private firm dito sa Butuan City at sa darating na October 7, ay 35 na ang edad ko. Pag dating five years 40 na ako at nararamdaman kong tumatandang dalaga na ako. Ang problema tulad din ng ibang mga tiyahin ko until now dalaga pa rin ako at walang boyfriend. May mga manliligaw naman ako kaya lang wala naman sa kanilang seryoso at iyong iba naman ay may mga asawa na.
2. Nais ko sanang malaman Sir Greenfield, kung sa edad ko po bang ito ay makapag-aasawa pa kaya ako? Kung makapag-aasawa pa ako sino kaya ang lalaking ito, at kailan naman siya darating?
Umaasa,
Clarissa ng Butuan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing ang lalaking darating sa iyong buhay sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Pebrero ay sinilang sa zodiac sign na Aquarius, na medyo maitim hanggang sa kayumanggi ang kulay ng ba-lat, bagamat hindi siya gaanong kagandahang lalaki, masasabing responsable at mabait naman siyang tao na may matatag na trabaho.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing ang lalaking magiging first and last boyfriend mo na tuluyan mo ring mapapangasawa ay isinilang sa petsang 4, 13, 22, 31, 2, 11, 20 o kaya’y 29. Kaya kapag may ganyang lalaki ang dumating sa iyo sa susunod na taong 2016, sigurado ang magaganap – siya na ang mapapangasawa mo.

Huling payo at paalala:
Clarissa ayon sa iyong kapalaran dininig na ng langit ang iyong samo’t dalangin, kung saan, pagsait na pagsapit ng taong 2016 sa buwan ng Pebrero tiyak ang magaganap, isang lalaking halos kasing edad mo rin ang mahuhulog mula sa langit, liligawan ka nya at sa madaling panahon, madaling magkakahulugan ang inyong loob, upang pagsapit ng buwan ng Oktubre sa nasabi ding taon sa edad mong 35 pataas, tuluyan ka ng makapag-asawa at magkaroon ng isang maligaya at pang habambuhay na pamilya hatid ng isang lalaking nagtataglay ng initial na J.S.

Read more...