Malapit ng tumandang dalaga

Sulat mula kay Clarissa ng Poblacion II, Obrero, Butuan City
Dear Sir Greenfield,
Ako ay isang accountant sa isang private firm dito sa Butuan City at sa darating na October 7, ay 35 na ang edad ko. Pag dating five years 40 na ako at nararamdaman kong tumatandang dalaga na ako, ang problema tulad din ng ibang mga tiyahin ko until now dalaga pa rin ako at walang boyfriend. May mga manliligaw naman ako kaya lang wala naman sa kanilang seryoso at iyong iba naman ay may mga asawa na. Nais ko sanang malaman Sir Greenfield, kung sa edad ko po bang ito ay makapag-aasawa pa kaya ako? Kung makapag-aasawa pa ako sino kaya ang lalaking ito, at kailan naman siya darating?
Umaasa,
Clarissa ng Butuan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bagamat medyo malayo kapansin-pansin pa rin ang kaisa-isang at malinaw naman na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kahit na medyo may edad ka na sa gulang na 35, hindi ka naman dapat na kabahan o mawalan ng pag-asa na tuluyan kang tatandang dalaga, sa halip, makikita mo sa susunod n ataong 2016 bago sumapit ang edad mong 36 pataas, isang lalaking halos kasing edad mo rin ang kusang darating.
Cartomancy:
Two of Clubs, King of Clubs at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.).Ang mga baraha ang nagsasabing sa isang lalaking medyo matanda binata na din ang darating sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Pebrero, kung saan, ang lalaking ito ay mabait at responsable na pagsapit ng buwan ng
Oktubre sa nasabi ding taong 2016, tuluyan na siyang magpo-propose sa iyo upang ikaw ay gawing esposa at pakasalan.
Itutuloy….

Read more...