Dalawa sa mga actor-politician ng bansa ang pinarangalan kamakailan ng Superbrand Marketing International, Inc., (SMI) bilang Outstanding Local Legislator of 2015.
Ang tinutukoy namin ay sina Bulacan Vice-Governor Daniel Fernando at Cavite Vice-Governor Jolo Revilla. Ginanap ang ceremonial rites sa City Club Ballroom, Alpha Land Bldg., sa Makati City kamakailan.
Bukod kina Daniel at Jolo, ang iba pang awardees ay sina Vice-Governors Jose Antonio Leviste, II ng Batangas, at Hon. Allen Jesse Mangaoang ng Kalinga.
Early presentors were Dr. Matt Martin, President of BWL Health and Sciences Inc., followed by Dr. Maynoll Montalbo, President of Mont Albo and Rommel Sangalang, VP Sugui Financial & SMI for Finance. Nagbigay naman ng opening remarks si Karl Mclean, ang Chairman ng SMI.
In fairness, ito na ang ikalawang beses na tumanggap si Daniel ng Most Outstanding Local Legislator award, una siyang ginawaran nito noong 2014. Mismong sina Harry Tambuatco, President/CEO at Kenneth Rocete, Senior Marketing Manager ng Superbrand ang nagbigay sa kanya ng award.
Ayon kay Tambuatco, napili si Daniel bilang isa sa OLL, “because of his programs and projects tulad ng Damayang Filipino Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo, Livelihood Program, Dunong Filipino Legal Mission, Dugong Alay ng Bulakenyo, Damayang Filipino Computer on Wheels, Call Center Training Program at Medical Mission and Feeding Projects sa Bulacan.
“We celebrate the significance of the Local legislators and award them for their hard work and dedication in managing the country from the ground up. Their harmonization required, be it for their ordinances, economic directives and policies, environmental advocacies, education, security, health and livelihood,” ani SMI President and Chief Executive Officer Harry Tambuatco.
Inamin naman ni Daniel na nami-miss na niya ang pag-arte, lalo na ang mga teleserye. Susubukan niya raw makahanap ng extra time para kahit paano’y magamit niya ang kanyang talento sa akting, baka raw kasi mangalawang na siya dahil matagal-tagal na rin siyang hindi napapanood sa TV o pelikula.