‘Pastillas Girl’ ng Showtime matindi ang naging epekto sa madlang pipol

pastillas girl

ANG paghahanap ng Pastillas Girl na si Angelica Jane Yap sa kanyang Mr. Pastillas ay talagang nagkaroon ng malakas na impact sa It’s Showtime.

Si Vice Ganda, pati na rin ang iba pang host ay patuloy na nagbibigay payo kay Pastillas Girl lalo na sa pagharap nito sa mga nag-apply para matagpuan na ang kanyang Mr. Pastillas. Pero sa nakaraang palabas ng noontime show, tila napusuan na ni Pastillas Girl si Topher na tubong Bulacan ng ito’y makaharap sa isang speed dating segment.

Iginiit pa ni Topher na hindi lang basta-basta date ang gagawin niya para kay Angelica ngunit liligawan daw niya ito gamit ang tamang paraan.

Sadyang pinalad si Topher dahil siya pa ang napili ni Pastillas Girl na makasalo sa tanghalian at makakwentuhan upang kilalanin pa ng husto ang binata.

Sa kabilang banda, sina Jess, na lumipad pa galing Bacolod, at Evan, ay walang ibang masabi nang malamang iba ang pinili ni Pastillas Girl at hindi sila.

Babalik na lang si Jess sa trabaho kung saan absent na siya buong linggo para lang masilayan si Pastillas Girl.

Ganu’n na rin umano ang gagawin ni Evan na tinanggap naman ang pagkatalo kay Topher. Ngunit, talo na nga ba sila? Ito na nga ba ng katapusan ng paghahanap kay Mr. Pastillas? Siguradong pati kayo ay na-hook sa paghahanap ni Pastillas Girl sa kanyang Pastillas Boy, kaya tuloy lang ang pagtutok sa It’s Showtime tuwing tanghali sa ABS-CBN lang.

Read more...