JM de Guzman hinamon ng ‘bugbugan’ si Enrique Gil

JM DE GUZMAN AT ENRIQUE GIL

JM DE GUZMAN AT ENRIQUE GIL

HINAMON ni JM de Guzman ang ka-loveteam ni Liza Soberano sa isang “bugbugan match” sa pamamagitan ng mixed martial arts.

Siguradong may kinalaman pa rin ito sa “airplane scandal” na kinasangkutan ni Enrique at ng girlfriend ni JM na si Jessy Mendiola.

Bago pa ang nasabing paghahamon, sinabi na ni JM sa pamamagitan ng kanyang post sa Instagram na nag-text na siya kay Enrique pero hindi pa raw siya sinasagot ng aktor.

Narito ang kabuuan ng mensahe ni JM: “With all due respect to Enrique Gil’s friends, fans, and family. I would like to challenge you to a one on one amateur mixed martial arts match any place any time.

“I’ll give you time to prepare. Man up. Face me. (reply to my text messages please.) thanks brother. @enriquegil17.”

Pero tila naduwag naman si JM sa kanyang hamon nang burahin din niya ang kanyang post matapos ang ilang oras.

Kamakailan, nabalitang nag-break na raw sina JM at Jessy, pero hindi malinaw kung may kinalaman ba rito ang nangyari kina JM at Jessy sa eroplano. Nag-sorry na rin si Enrique kina Jessy at JM on national television.

Read more...