Kris sa naging kabit ng ex: Kung alam ko lang ‘yan ang itsura mo, di na ako nag-aksaya ng panahon!!!

kim chiu

Diretso namang i-binandera ni Kris Aquino sa kanyang morning show na nagsisi siya noong “sugurin” niya ang “other woman” ng isa niyang nakarelasyon noon.

Isa nga si Kris sa gaganap na kabit sa pelikulang “Etiquette For Mistresses” at natanong nga siya sa Kris TV kung ano ang kanyang gagawin sakaling mahuli niyang magkasama ang kanyang dyowa at ang kabit nito.

“It has already happened. The truth, ay nasabihan ako: ‘Had I known how you look I would never have bo-thered coming after you,'” ang mataray na pahayag ng TV host-actress.

Pero hindi na nagdetalye pa si Kris tungkol sa nasabing confrontation scene, “Hayaan na lang natin, ako lang naman eh. Sinabi ko talaga, ‘kung alam ko lang ‘yan ang itsura mo ‘di ako nag-aksaya ng panahon.”

Hindi man tinukoy ni Kris kung sino ang lalaking nanloko sa kanya, marami ang naniniwala na si James Yap ang tinutukoy ni Kris na dati niyang karelasyon na nagkaroon ng “other wo-man”.

Sa nakaraang presscon ng “Etiquette For Mistresses” natanong din si Kris tungkol dito, at aniya, “Na headline na yan sa Inquirer na ginawa ko ‘di ba? Election time pa ‘yun.”

Nang tanungin kung gaano katotoo ang lumabas na balita, “70% of it was true.” Hirit pa ni Kris, “Pero sa totoo lang ‘di ba you learn from your mistakes ika nga.

Sinabi ko ‘yun na ano, nung nakita ko kung ano ‘yung itsura na realize ko nag aksaya ako ng panahon.”

NAGDALAWANG-ISIP si Kim Chiu na tanggapin ang role ng pinakabatang kabit sa pelikulang “Etiquette For Mistresses” pero matapos niyang mabasa ang kabuuan ng script ng pelikula at dahil sa pagkumbinsi sa kanya ni Kris Aquino, tinanggap niya ang hamon.

Ayon sa dalaga, nine years na rin siya sa showbiz at feeling niya kaila-ngan na niyang mag-level up kahit paano bilang aktres, “Parang it’s time for me to mature.

Hindi na ako dapat ‘yung pabebe na patawa or pa-jologs,” aniya sa nakaraang presscon ng movie.
“Kailangan ko rin tumanggap ng isang proyekto na magsasabi na actress ako at woman na ako.

Pagka-tapos ng movie na ito, nasabi ko na woman na ako,” dagdag pa niya. “Nu’ng una siyang binigay sa akin, ang tagal kong sumagot. Hindi ako nag-oo pero hindi rin ako humindi. Inisip ko talaga.

Sabi ko pahingi muna ng script kasi medyo nakakakaba. ‘Yung title pa lang itself, kinabahan na ako. Inisip ko kung may susuporta ba sa akin dito,” paliwanag pa ng Kapamilya actress.

“Si ate Kris, ang dami niyang si-nabi hanggang sa, ‘Oo nga no? Bakit hindi ko naisip yun?’ Parang it’s time for me to mature. Marami rin akong natutunan in terms of love sa pelikulang ito and siyempre sa apat na artista nakasama ko.

Sa love, it’s about respect, attraction, choice and decision,” chika pa ng Kim. Showing na ang “Etiquette For Mistresses” sa Sept. 30 sa direksiyon ni Chito Roño.

Kasama rin dito sina Claudine Barretto, Iza Calzado at Cheena Crab, under Star Cinema.

Read more...