Kung mamalasin ka nga naman. ‘Yun siguro ang naglalaro ngayon sa utak ni Kathryn Bernardo. Napakaganda pa naman niyang dumating sa Star Magic Ball, pinaghandaan niya ang gabing ‘yun, pero masasangkot lang pala siya sa isang matinding kontrobersiya.
Sadya man o hindi ay inulan siya ng mga bira sa hindi man lang niya paglapit sa direktor na napakalaki ng tulong na nagawa sa kung anumang popula-ridad na hawak niya nga-yon.
Masyadong nalungkot si Direk Edgar Mortiz sa nangyari, nagtayuan ang mga bagets stars ng ABS-CBN at bumeso sa kanya, pero si Kathryn ay parang walang nakita sa laki ng bultong ‘yun na meron si Direk Bobot.
Napakalaki ng naitulong sa kanya ni Direk Bobot, sa pangkabataang show pa lang na Goin Bulilit ay artista na siya nito, kaya nang magpakita siya ng pambabalewala ay nasaktan ang actor-singer-director.
Pero kailan lang ay tumawag na pala ang young actress kay Direk Bobot para manghingi ng paumanhin. Katanggap-tanggap man o hindi, totoo man o ano ang ibinigay niyang dahilan ng hindi niya pagbibigay-pugay sa direktor, ang mahalaga ay nakapag-sorry na siya.
Na dapat lang naman. Kailangang marunong tumanggap ng pagkakamali ang nagkulang. Ginagawa pa naman siyang role mo-del ng mga kabataan, pagkatapos ay mabubutasan siya sa usapin ng paggalang, maraming babaklas ng paghanga sa kanya.
Respeto at pagtanaw ng utang na loob ang tawag sa ganu’n. Walang labis, walang kulang. Hindi natin binabalewala ang mga taong nakatulong nang malaki sa pagtupad ng ating mga pangarap.