NOW we can write about the news item na ibinulong ng isang source but requested na huwag muna naming isulat, ito ‘yung tungkol sa kahihinatnan ng Aquino And Abunda Tonight.
Mismong ang Queen of All Media na si Kris Aquino ang nag-annouce na mawawala na ang late-night celebrity talk show nila ng King of Talk na si Boy Abunda.
Ayon kay Kris babalik siya sa Monday sa A&A para pormal na makapagpaalam sa televiewers. Ang isa sa mga i-dinahilan ng pagre-resign niya sa nasabing programa ay ang kanyang health condition.
Hindi na raw siya pwedeng magpakapagod nang todo-todo sa trabaho kaya she deci-ded to give up the show. Sa presscon ng bago niyang movie under Star Ci-nema na “Etiquette For Mistresses” with Claudine Barretto, Kim Chiu, Iza Calzado and Cheena Crab, sinabi rin ni Kris babaguhin na rin ang title ng late night show ng ABS-CBN, magiging The Boy Abunda Tonight na lang ito.
Magsasalita pa sana si Kris about the new show na gagawin niya for ABS-CBN kaya lang pinigilan na siya ng mga executive na nasa presscon na magbigay pa ng ibang detalye about it.
Samantala, inamin din ni Kris na maraming beses dumalaw sa set ng latest movie niya under Direk Chito Roño ang Mayor ng Quezon City at ex-boyfriend niya na si Herbert Bautista.
At the same time, mariin din niyang itinanggi na nag-kabalikan sila ni Mayor Bistek. Kasunod nito ang paglilinaw naman niya sa movie nila ni Herbert para sa 2015 Metro Manila Film Festival, ang “Mr. & Mrs. Split.”
“I want to make a categorical statement. Last night we had a meeting with Tita Cory Vidanes (ABS-CBN program executive) about issues I raised, and gusto kong magpasalamat sa ABS-CBN kasi doon sa 20 years na nandito po ako, pinapahalagahan nila kung ano ‘yung importante sa akin.
While still living in my respect and my desire to fulfill my contract. So, the ca-tegorical answer to the filmfest question is, it is pushing through but there will be changes.
Changes that I am not allowed to mention because kailngan pa naming ng approval ng MMDA,” aniya.
Siyempre, unang iisipin agad na isa sa changes na magaganap ay baka mawala na sa cast si Bistek at bigyan ng ibang leading man si Kris sa movie.
“Categorically, I am still involved so I can speak for myself. My son is involved because I am his legal guardian at nakapirma kami. But there will be additions to the cast that’s it.
Stop asking me! Mababawasan na ang sweldo ko kung magsasalita pa ako,” pambibitin ni Kris.
According to sources, posible raw palitan ni Derek Ramsay si Herbert sa MMFF entry ni Kris at balitang ang magiging title na raw nito ay “Pamilyang Love Love”.
Anyway, for the nth time ay magkakatrabaho sila ni Direk Chito para sa “Etiquette For Mistresses” ng Star Cinema. But this time, hindi lang si Kris ang bida kundi kasama rin ang nagbabalik sa kanyang mother studio na si Claudine Barretto, Kim Chiu, Cheena Crab at Iza Calzado.