Shaina hindi type maging dyowa sina Gerald at Rayver?

gerald anderson

NATIGILAN si Shaina Magdayao nang banggitin namin ang pangalan ni Rayver Cruz (isa sa mga gumaganap na anghel sa Nathaniel), sinabi kasi namin sa kanya na sana’y magbalikan na lang sila.

Matatandaang nagkaroon ng magandang pagtitinginan noon sina Rayver at Shaina at botong-boto sa relasyon nila ang kani-kanilang pamilya bukod pa sa mga kaibigan kaya lang sa hindi malamang dahilan ay bigla silang naghiwalay at pumasok sa eksena si John Prats.

Naging boyfriend ito ng aktres na pagkalipas ng isa o dalawang taon ay nagkahiwalay din. Ang huling nakarelasyon ng dalaga ay si John Lloyd Cruz.

Nabanggit kasi ni Shaina sa finale presscon ng Nathaniel na, “Abot-langit po ang prayers ko for the perfect one,” nang tanungin kung kailan naman siya magkakaroon ng boyfriend.

Ang natawang sagot ng aktres tungkol kay Rayver, “Ha-hahaha! Si Bro (tawag niya sa aktor) nagpaparamdam siya sa show (Nathaniel), guest namin siya, di ba? Isa siya sa tatlong anghel, (kasama sina Enchong Dee at Sam Milby).”

“Si Bro, ano na ‘yan, stable na ‘yan sa buhay ko. Laging nandiyan lang ‘yan, isa siya sa mga mabuti kong kaibigan sa showbiz,” sabi ng dalaga.

Hindi na ba puwedeng mag-level up uli ang pagkakaibigan nila ni Rayver tutal naman kilala na niya ang pagkatao ng binata. “Alam mo, ayokong mag-close ng doors, kasi hindi natin alam kung anong mangyayari in the future.

But as of now, wala sa isip ko pa, promise. Feeling ko kasi kapag nagkaroon ako ng boyfriend, ‘yun na ‘yun (asawa), so I really wanna take my time, ayoko naman ng pa-date-date na lang kung sino lang, kilala mo naman ako.

“Magtu-26 (edad) na ako sa November, so I wanna take my time kesa naman magmadali ka, mag-commit ka at after a while, magbi-break din, so itutuon ko na lang ang atensiyon ko sa mas mahalagang bagay and when that time comes, e, di ‘yun na ‘yun,” paliwanag ni Shaina.

Okay na raw sila ni John Lloyd at nag-guest na rin ito sa Nathaniel, pero sila ni Angelica Panganiban, “Okay lang, we’re civil,” maiksing sagot ng aktres.

Pero nabanggit ni Shaina na kaya raw siguro walang nagpaparamdam sa kanya dahil nga busy siya sa Nathaniel at serye nila ni Matteo Guidicelli na napapanood sa Cinema One, “Hindi naman ako…bisi-bisihan lang, talagang ang daming ganap ng buhay ko ngayon.

Pero sana hindi taga-showbiz (maging BF), pero tulad nga ng sinabi ko, tapos na ako sa pagiging idealistic, minsan naman non-showbiz hindi ka maintindihan, pag showbiz naman, masyadong showbiz din, hindi ko alam.

“Ayaw ko nang mag-set ng any requirements dahil at the end of the day, lahat naman ‘yan may kapintasan, let’s really pray for the right one,” pahayag ni Shaina.

Samantala, tinutukso naman si Shaina kay Gerald Anderson pero natawa lang ang aktres. Siguro’y talagang magkaibigan lang ang turingan nila sa tunay na buhay at walang halong malisya.

Read more...