Hinihingi na ng BF ang pagkababae (2)

Sulat mula kay Lorie ng Aquino Avenue, Butuan City
Problema:
1. May boyfriend ako sa ngayon at mag iisang taon na ang relasyon namin sa dara-ting na birthday nya sa September 25. Okey naman ang relasyon namin at walang gaanong probema dahil kahit minsan. Oo nagkakatampuhan din kami pero saglit lang nagbabati uli. Ang problema ko lang sa ngayon ay may hinihingi siya sa darating na birthday nya, sabi nya sa akin ipa-birthday gift ko na lang daw sa kanya ang aking pag-kababae. Nagulat nga ako sa request nyang iyon, pero hindi ko naman siya tahasang tinanggihan, sa halip sabi ko sa kanya ay pagiispan ko muna. Sa bagay, ng maging boyfriend ko siya ay hindi na ako virgin at alam nya na yon, pero sa kabila nito, sabi nya sa akin mahal na mahal nya daw ako.

2. Kung sakali kayang ibigay ko sa kanya ang hinihingi nyang regalo, nais ko lang makatiyak kung kami na kaya ang magkakatuluyan? February 4, 1992 ang birthday ko at September 25, 1990 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Lorie ng Butuan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) ang nagsasabing ka-compatible mo ang boyfriend mong Libra, dahil ang Aquarius at Libra ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong hangin o air. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na sa malapit na hinaharap kayo na nga ang magkakatulayan.

Numerology:
Samantala, ang birth date mong 4 ay nagkataong tugma din sa birth date naman 25 ng boyfriend mo. Dagdag dito sa pang-statistical data, maraming isinilang sa petsang 4 ay nagkatuluyang sila ng isinilang sa petsang 25. Ganon din naman maraming isinilang sa zodiac sign na Aquarius na, silang 25 ang birthdate ang kanilang nakakatuluyan.

Luscher Color Test:
Upang magtagal pang lalo at maging maligaya ang inyong relasyon, lagi kayong gumamit at magsuot ng kulay na dilaw at berde. Sa nasabing kulay tuloy ang isang mainit at nakababaliw na relasyon.

Huling payo at paalala:
Tandaang hindi natin kinukunsinte ang premarital sex, sa halip siyempre pa sa kulturang Pinoy mahalaga pa rin ang viginity sa sa araw ng kasal, yon nga lang hindi ka na nga pala virgin ng makuha ka ng boyfriend mo dahil may nauna na sa kanya. Subalit ano’t-anoman ang mangyari, tiyak ang magaganap – kusang mangyayari ang kahilingan ng boyfriend mo, ireregalo mo sa kanya ang iyong pagkababae, na sa bandang huli ang pagniniig nyong ito ang siya na ring magtutulak sa lalong madaling panahon upang tuluyan na kayong magpakasal at bumuo ng isang simple, masaya at pang habang buhay ng pamilya, sa susunod na taong 2016 sa edad mong 24 pataas at 26 naman ang boyfriend mo.

Read more...