AlDub tinututukan din ng Walt Disney

yaya dub

Mas na-excite pa ang milyun-milyong fans nina Alden Richards at Maine Mendoza nang kumalat sa social media ang isang litrato na pinaniniwalaang nagmula sa Walt Disney Studios.

Sa official Facebook page ng Walt Disney Philippines, may naka-post na picture nina Joy at Disgust (mga karakter sa blockbuster hit Disney movie na Inside Out), at may hashtag nga itong na #ALDUBOneMoreDay.

Makikita sa litrato si Joy na tuwang-tuwa sa AlDub habang dedma lang at parang hindi naman intersado si Disgust.

Itinag pa nga ng admin ng nasabing FB page ang ilan nilang followers na sinasabing loyal viewers ng kalyeserye ng Eat Bulaga at mga tagahanga ng AlDub.

Ayon sa ilang komentong nabasa namin, mukhang excited din ang mga taga-Disney Philippines sa kauna-unahang date nina Alden at Yaya Dub ngayong araw sa nasabing kalyeserye.

Read more...