ANG naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili—Isang matandang kasaliwakain.
Hindi ko sinasabing si Pangulong Noynoy ay walang bait sa sarili, pero sandaling napaniwala siya ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ang pumatay sa Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir, alyas Marwan, ay mga tauhan niya mismo.
Taliwas ito sa bersyon ng gobiyerno na ang nakapatay kay Marwan ay mga commando ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police.
Madaling napaniwala ng MILF ang Pangulo sa “alternative version” na patay na si Marwan bago naabutan ito ng mga SAF commandos.
Kailangan pang bigyan si P-Noynoy ng kasiguruhan ng SAF at ng ibang ahensiya ng gobiyerno– na ang tunay ng bersyon ay yung sa pamahalaan– bago mu-ling naniwala ang Commander-in-Chief ng tunay na bersyon.
Dahil sa nilabas ng Pangulo na ulat tungkol sa “alternative version” ng MILF, nagduda tuloy ang taumbayan sa kakayahan ng SAF bilang isang elite fighting unit.
Lumabo tuloy ang pagiging bayani ng mga “SAF 44” na napatay sa pakikipagsagupaan nila sa mga MILF.
Hindi ubod-maisip na mas paniniwalaan pa ni P-Noynoy ang ber-syon ng mga Moklo kesa bersyon ng kanyang mga tauhan.
Kialala ang Moro sa pagiging sinungaling. Hindi ito mapagkatiwalaan sa kanyang sinasabi.
Therefore, ang MILF, na kinabibilangan ng mga Moro siyempre, ay hindi dapat pagkakatiwalaan sa sinasabi nito.
In short, muntik nang maguyo ng MILF ang Presidente.
Alam kaya ni Sen. Grace Poe, na tumatakbo sa pagka-Pangulo, na pabigat sa kanya si Sen. Chiz Escudero bilang kanyang running mate sa 2016 national elections?
Dapat ay nagtanong-tanong muna si Grace bago niya kinuha na vice presidential candidate niya si Chiz.
Yung mga nakakakilala kay Chiz ay napapailing na lang.
Kapag lasing si Chiz ay nagiging iba ang kanyang personalidad, para siyang Dr. Jekyll and Mr. Hyde dual personality.
Sa isang kuwento ng kababalaghan, si Dr. Jekyll ang mabuti at marangal na tao at nagiging Mr. Hyde siya, isang mala-halimaw, kapag may naiinom siyang isang gamot.
Ganyan na ganyan si Chiz: kapag siya’y nakakainom ng alak, nag-iiba ang kanyang personalidad.
Hindi na disente ang kanyang kilos, hindi na malumanay ang kanyang pagsasalita at bagkus ay malaswa na ang kanyang lengguahe at pasigaw siya kung mag-utos sa mga waiters.
Nawawala ang kanyang pagiging magalang at bagkus ay bastos na siyang makipag-u-sap.
Kung ayaw ninyong maniwala, tanungin ninyo ang kanyang mga manugang, sina Reynaldo at Cecile Ongpauco, na mga magulang ng kanyang artistang esposa na si Heart Evangelista.
Napatawad na siguro nina Rey at Cecile si Chiz dahil mahal nila ang kanilang si Heart kaya’t sumama sila sa proklamasyon ni Chiz bilang vice presidential candidate sa Club Fi-lipino.
Pero noong nakausap ko ang mag-asawa isang taon bago kinasal si Chiz kay Heart, suklam na suklam sila sa senador.
Bastos, walang modo, lasenggo: Yan ang mga paglalarawan nina Mr. and Mrs. Ongpauco kay Chiz.
Pero nagbabago naman ang isang tao at maaaring nagbago na si Chiz.
Maaaring hindi na siya umiinom nang nagsasama na sila ni Heart.
Sana’y huwag nang uminom ng alak si Chiz dahil hindi maganda ang dulot sa kanya ng kalasingan.
Sa campaign trail, baka paiinumin si Chiz ng mga taong kanyang makakasalamuha.
Huwag na huwag siyang uminom dahil lalabas ang tunay niyang pagkatao.
Magdahilan na lang siya upang hindi naman mainsulto ang nag-aalok sa kanya ng alak.