AKO po si Mr. Artemio Espiritu.
Gusto ko po lang malaman kung bakit po sa PGH ay hindi cover ng PhilHealth ang visual sa mata?
Isa po akong senior citizen na umaasa sa aking dalawang anak at konting pension sa SSS na P2,400.
Hindi po ba kaming mga senior citizen ay prayoridad ng PhilHealth at SSS lalo na sa mga pampublikong ospital?
Paano na po kung wala kaming P1,000 o mahihingan ng pera, di hindi na po kami magagamot at hahayaan na lang mabulag?
E, para ano pa’t nagkaroon ng PhilHealth at SSS? Maraming salamat po. Ako nga po pala ay 74 anyos na.
Mr. Artemtio Espiritu
REPLY: G. Artemio:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Malugod po naming ipinapaalam sa inyo na ang PhilHealth po ay nagbibigay ng benepisyo para sa mga miyembro at kanilang kwalipikadong dependent kung na-confine ng higit sa 24-oras o may ginawang operasyon sa isang PhilHealth-accredited na ospital o facility.
Kung ang pasyente ay sumailalim sa isang
operasyon o procedure na may kinalaman sa visual sa mata, ito po ay maaaring mabayaran ng PhilHealth.
Ang benepisyo sa PhilHealth ay binabayaran sa pamamagitan ng Case Rate. Ang Case Rate ay isang pamamaraan ng pagbabayad sa ating mga miyembro na kung saan ay may nakatalagang halaga sa bawat medical diagnosis/procedure na isinagawa sa isang pasyente habang sya ay naka-confine.
Narito po ang mga Benefit Coverage para sa lahat ng miyembro ng PhilHealth:
Inpatient coverage
PhilHealth provides subsidy for room and board, drugs and medicines, laboratory exam, use of operating room complex and professional fees for confinements of not less than 24 hours.
Outpatient coverage
Day surgeries, dialysis and cancer treatment procedures such as chemotherapy and radiotherapy in accredited hospitals and free-standing clinics.
Exclusions
The following shall not be covered except when, after actuarial studies, PhilHealth recommends their inclusion subject to approval of its Board of Directors:
Non-prescription drugs and devices
Alcohol abuse or dependency treatment
Cosmetic surgery
Optometric services
Other cost-ineffective procedures as defined by PhilHealth
Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong magsend ng e-mail sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442. Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph
Salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442