Poe: Dapat, dapat, dapat…

NAKIKITA ang pagkakamali ng iba ngunit di makita ang kanilang mas mala-king kasalanan. Sa lipunan natin, marami ang mga mapagkunwari at tiwaling pinuno. Ang mas masama nito, nagbubulag-bulagan tayo at patuloy na sumusunod sa kanilang baluktot na landas, patuloy tayong nagbubulag-bulagan sa kanilang maling gawain. Sobra na ang kaguluhan at paghihirap ng ating bayan kaya’t huwag nating hayaan ang ating mga lider na gawin ang kanilang pang-aabuso. Kailan kaya tayo magigising at mamumulat sa katotohanan?

Iyan ang pagninilay sa Ebanghelyo (Slm 16:1b-2a at 5, 7-8, 11; 1 Tim 1:1-2, 12-14; Lc 6:39-42) sa ika-23 linggo sa karaniwang panahon. Cerrado Catolico si Corazon Aquino. Si BS ay hindi; BS kasi. Kung nagsisimba lang si BS araw-araw, na minsan nang ginawa ni Corazon, sana’y nasubaybayan niya ang mga Ebanghelyo, pagninilay at pagsasagawa, na ibinabase sa Unang Pagbasa, Ikalawang Pagbasa at Mabuting Balita. Pero, hindi tunay na binyagan si BS. Wala sa spiritual exercise ni St. John XXIII ang panuntunan na tunay na binyagan nga si BS.

Hindi ko mabilang kung ilang beses binanggit ni Grace Llamanzares ang salitang “dapat” sa UP (wala kasi akong tape recorder, ang aking gamit nang una akong nagtrabaho sa Evening Post noong 1976 at wala rin akong hawak na voice recorder; naghahapunan kasi ako at nagkakamay pa, hinihimay ang tinapang hasa-hasa at isinasawsaw sa bagoong Lobo [Batangas] na may pinisang kamatis, labuyo at hiniwang sibuyas tagalog). Ang “dapat” ay salitang hindi binibigkas ng pantas (hindi pantas si Llamanzares), matalino, dalubhasa, scientist at mathematician.

Sina Albert Einstein, Benjamin Franklin, Thomas Edison, Mikhail Gorbachev, Henry Kissinger, Madeleine Albright at Walter Mondale ay hindi binanggit ang sa-litang “dapat” sa pagtatanggol sa kanilang sinaliksik na kaisipan. Ang gumagamit ng salitang “dapat” ay ang basahang politiko, na nakakakita ng muta sa mata ng kalaban pero hindi nakikita ang troso na nakaharang sa kanyang mata. Nasa Ebanghelyo rin iyan. Ang “dapat” ay ginagamit ng mga tsismosa sa tindahan sa labasan, na ang kaisipan ay sila ang mas magaling kesa iba.

Natatakot akong ma-ging pangulo agad si Llamanzares. Pero, mas natatakot din pala si Sheryl Cruz, ang kanyang pinsan. Hindi pa kasi handa si Llamanzares, tulad nang hindi rin handa si BS Aquino dahil noynoying siya noong kongresista’t senador siya. Bilang senador ay bitin ang ipinakita ni Llamanzares sa imbestigasyong Mamasapano dahil hindi ito iniakyat sa plenaryo. Para kay Sheryl, hinog na si Llamanzares sa pagkapangulo sa taon 2022.

Magaling mamulso si Llamanzares nang sakyan niya ang daang matuwid. Bagaman meron siyang “pero,” hindi niya sinagasaan ang daang matuwid. Ang mga sumagasa sa daang matuwid ay binigyan ng problema at pinagkakaabalahan ng dirty tricks department, kaya hayan ang nangyari kay Jejomar Binay. Kung sakaling hindi palarin si Binay sa 2016, makabubuting sumama siya sa ilang kongresista na magsisilbing whistleblowers kontra Aquino sa kasong suhulan sa impeachment ni Renato Corona.

Habang idinuduyan ang bansa ng isyung Llamanzares, kumukulong sinaing naman ang PNP SAF at damang-dama ang init sa mga bulungan sa Camp Crame. Wala pang reporter na taga-Crame ang nagsusulat ng init, na puwede nang sumabog kapag sinindihan ang mitsa (at naunawaan ko iyan). Sa mga junior officers na hi-nubog ng PMA at PNPA, walang puso si BS Aquino sa tropang tagapagbantay at tagapamayapa. Pambabastos na ang ginawa sa kaluluwa ng SAF 44.

Ito na ang Pasko na ang presyo ng mga laruan ay napakamura. Makukulay, sari-sari at kagigiliwan ng mga bata sa mababang presyo, tingi man o wholesale, sa Divisoria. Made in China nga lang.

MULA sa bayan (0916-5401958) : Dapat ipasara na ang V. Mapa PCP ng Manila police. Kinokotongan ng mga pulis ang mga nakamotor kapag gabi. Sta. Mesa Riders. …7650

Mas lumala ang trapik sa EDSA nang pumoste ang HPG. Noong Miyerkules, naglakad na lang ako mula GMA hanggang Cubao. …1653

Read more...