Christmas wish ni Yaya Dub noong 2012 tinupad na ni Alden

ALDEN RICHARDS AT YAYA DUB

ALDEN RICHARDS AT YAYA DUB


ISA sa mga Christmas wish ni Maine Mendoza o Yaya Dub noon pang 2012 ang tinupad ni Alden Richards sa pamamagitan ng kanilang hit na hit na kalyeserye sa Eat Bulaga noong Miyerkules, kung saan ipinadiwang nila ang kanilang second monthsary.

Hindi napigilan ni Yaya Dub ang mapaluha nang bigyan siya ng handwritten message ni Alden bilang isa sa kanyang mga regalo sa dalaga pa sa kanilang 2nd monthsary. At wala raw kaalam-alam ang Pambansang Bae na matagal na palang pangarap ni Maine ang makatanggap ng isang sulat-kamay na love letter.

Sa kanyang blog na “The Pessimistic Optimist Bella” noong December, 2012 inisa-isa ni Yaya Dub ang kanyang Christmas wishes at ang isa nga rito ay ang, “Last but not the least, a simple handwritten love letter from a loved one. (call me old-fashioned, but I really appreciate handwritten letters more than anything).

“Para to sa mga taong walang budget na bilhan ako ng gift. Charot!! I love receiving handwritten letters, who doesn’t anyway? Ang sweet sweet kaya, plus it’s a great way to express your feelings to someone. Bigyan mo ng letter para damang dama! (insert nevergetsold hashtag).

“I feel really special and loved everytime I receive letters. Lakas ng impact! Lalo na yung mga death threats like, ‘Di ka makakalabas ng bahay nyo ng buhay. Hayop ka, papatayin kita.’ Lol kidding!”

Kaya nang ipakita ni Alden kay Maine ang ginawa niyang love letter ay napaiyak na ito dahil after three years ay tinupad nga nga binata ang kanyang Christmas wish.

Para sa lahat ng nagre-request sa amin, narito ang kabuuan ng love letter ni Alden kay Maine: “Hi Maine. Kumusta ka na? Kahit dalawang buwan pa lang ang nakakaraan, ang dami nang nangyari. May masasaya, may malulungkot, may masasakit.

“Pero lahat ng ito mayroon tayong natututunan. At walang hindi makakayanan basta handa tayo at ito ang gusto natin. At kung may may maniniwala sa atin, at may naniniwala sa atin at nagmamahal, ngayon pa ba tayo susuko?

“May mga naiba na sa buhay natin. Marami na. Pero maraming bagay din na hinding-hindi na magbabago kahit kailan. “Alam mo na yun. At alam natin na kahit na ano mang pagdaanan natin, darating ang tamang panahon. Aldub you, Alden.”

Read more...