Para kay Kim Chiu mas maganda kung magkakaroon na ng divorce sa Pilipinas, hindi lang daw ito paborable sa mag-asawang gusto nang maghiwalay kundi pati na rin sa kanilang mga anak.
Sa presscon ng latest offering ng Star Cinema, ang kontrobersiyal na “Etiquette For Mistresses” kung saan makakasama ni Kim sina Kris Aquino, Claudine Barretto, Iza Calzado at Cheena Crab, sa direksiyon ni Chito Roño, sinabi ng dalaga na mas maganda kung magiging batas na sa bansa ang divorce.
Sey ni Kim, ang apektado at ang kawawa kasi talaga sa mga naghihiwalay na mag-asawa ay ang mga anak. “For me bilang anak, kung hindi na sila masaya bakit pa sila magsasama, kung hindi na sila nagmamahalan, bakit pa sila nagsasama.
“So, maghiwalay na lang para mas malinaw sa anak na, ‘O, anak, wala na kami ng tatay mo. So malinaw sa kanya na hanggang ganu’n na lang. Pero dapat, ang number one priority pa rin nila yung bata kasi siya talaga ang maaapektuhan sa desisyon nilang maghiwalay,” paliwanag pa ni Kim na gumaganap bilang pinakabatang kabit sa “Etiquette For Mistresses”.
Kaya natanong si Kim kung nakikita rin ba niya ang sarili niya na maging kabit? “Ay, hindi po. Hindi ko po kakayanin. Tsaka may takot po ako sa Diyos.”
In fairness, maraming humanga sa sagot ni Kim lalo na ang mga legal wife dahil nagpakatotoo lang siya sa kanyang sagot.
Showing na sa Sept. 30 ang “Etiquette For Mistresses” nationwide at magkakaroon din ito ng simultaneous premiere sa mga key cities ng Europe, Middle East at North America.