First date nina AlDub sa Sabado na; milyong fans nakaabang

UYYY…. magde-date na sila!

Hindi lang ang split-screen lovers na sina Alden Richards at Maine Mendoza, na higit na kilala bilang Yaya Dub, ang kinilig sa magiging kauna-unahang date nila, kundi maging ang milyon na tagasubaybay ng Kalyeserye.

Siguradong aabangan ng AlDub fans sa loob at labas ng bansa ang unang date ng dalawa sa Sabado, Setyembre 19.

Ito ang nabanderang balita sa episode ng Eat Bulaga Kalyeserye nitong Huwebes.

Si Lola Nidora, na ginagampanan ni Wally Bayola, ang nagbigay ng blessing na pwede nang lumabas ang dalawa para sa kanilang first date.

Inilabas muna ni Lola Nidora ang dalawang cupcake na may mga letrang D-A-T-E.

“Pinapayagan ko kayong mag-date ni Alden,” chika ni Lola Nidora.

Samantala, naglaro din ang dalawa ng matching game para umano makita kung compatible silang dalawa.

Pitong tanong ang kanilang sinagot, kabilang na rito ang tanong na anong mas gusto nila “Church o beach wedding?” at “Beatles o One Direction”.

 

 

Read more...