Kailan magkakaroon ng maganda at regular na trabaho? (2)

Sulat mula kay Andrea ng Barangay Granada,  Bacolod City
Problema:
1. Dalawang taon na akong gradueyt ng HRM pero hanggang ngayon wala pa rin akong maayaos at magandang trabaho. Maraming kumpanya na ang pinag-aplayan ko pero puro pangako lang hindi pa rin ako tinatawagan. Kaya na-obliga tuloy akong mag-trabaho sa kung saan-saan na hindi angkop sa aking kurso, pero ang masakit la-ging contractual lang ang napapasukan ko.
2. Gusto kong mag bago ang buhay ko kaya sana gusto kong malaman kung kailan kaya ako makakahanap ng maganda at regular na trabaho? Gustong-gusto ko na kasing magkaroon ng magandang trabaho, nahihiya na kasi ako sa mga magulang ko na hingi ako ng hingi ng pera hindi ko man lang sila naiintregahan. April 22, 1991 ang birthday ko. Sa ngayon ay wala pa rin akong boyfriend, kailan kaya ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa?
Umaasa,
Andrea Bacolod City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ay nagsasabing angkop na angkop sa zodiac sign mo ang kurso mong HRM, sapagkat ang mga Taurus ay tipikal at pangkaraniwan ng nagtatagumpay at nagiging maligaya sa mga career na may kaugnayan sa pagkain.
Numerology:
Ang birth date mong 22 ay nagsasabing biglang swerte ang darating sa iyo sa taong ito ng 2015 hanggang 2016, sa tulong ng isang lalaking isinilang sa petsang 7, siya ang mala-superman na tutulong sa iyong career at magiging boyfriend mo upang sa dako paroon ng susunod na mga taon tuloy-tuloy na kayong bubuo ng isang maunlad at maligayang pamilya.

Luscher Color Test:
Upang mapasok ka na agad sa trabaho kapag nag-aaplay ka mas mabuting magsuot ng kulay na red at dilaw. Sa ganyang kulay, susuwertehin ka na sa iyong career at tuloy-tuloy na magtatagumpay.
Huling payo at paalala
Mitch ayon sa iyong kapalaran, tulad ng nasabi na, isang lalaking isinilang sa petsang 7 na may zodiac sign na Virgo ang tutulong sa iyo, upang mapasok ka sa isang malaking kumpanya na may kaugnayan sa pagkain. Sa nasabing kumpanya na may kulay red na logo, mareregular ka at tuloy-tuloy na aasenso, hanggang sa bandang huli don ka na rin makapag-asawa at magkaroon ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya, hatid ng isang lalaking may intial na J.A.

Read more...