Piolo sa iskandalong kinasangkutan ni Enrique sa London: May mga responsibilidad tayo sa mga tao!

piolo pascual

Tungkol pa rin sa nangyaring iskandalo sa eroplano, hiningan namin ng opinyon ang leading man ni Rhian Ramos sa indie film na “Silong” at isa ring Star Magic artist na si Piolo Pascual.

Bahagi rin si Piolo ng mga artistang nag-perform sa London. “Ah, bottom line, you have to realize your responsibilities as a personality. You know we have a social responsibility and we have to be aware of our actions, as simple as that.

Our actions have repercussions,” lahad ni Piolo noong makausap namin sa presscon ng “Silong.”
Wala raw siyang napansin sa mga kilos ng mga involved na artista sa iskandalo dahil magkakaiba raw sila ng kwarto.

“Hindi ko alam ‘yung nangyari, e. Pinag-uusapan nila pero parang ako, we were too busy with what we have to do. We have two shows, so, parang mamaya na ‘yan. Saka na ‘yan. So, even sa Star Magic (ball) I don’t think it was even talked about, wala,” diin pa niya.

Pero may payo si Piolo sa mga kasamang artista na dawit sa scandal sa loob ng eroplano papuntang London, “We just have to be aware on what we do especially now with the emergence ng video sa phone, CCTV, common sense.

And be responsible for your own actions.” Ito raw ang lagi niyang i-pinapaalala sa kanyang anak na si Iñigo Pascual, “He knows it and of course, I tell him. I constantly tell him, you know, you have to, e.

Kasi kapag hindi mo i-ano, minsan malu-lure ‘di ba? So, you just have to be there and you know, hindi ka magsasawang magbigay ng advice,” payo ni Piolo sa kanyang anak.

Happy naman si Piolo sa kanyang personal life at takbo ng kanyang career ngayon. After his very successful mainstream movie na “The Breakup Playlist,” dalawang “malala-king” indie films naman ang nagawa niya this year, ang “Silong” with Rhian at ang “Hele sa Hiwagang Hapis” with John Lloyd Cruz sa direksyon ni Lav Diaz.

“Wala naman inisip na gawin ko ng sabay-sabay na magkakasunod ‘yung dalawang indie films. Parang it just fall into places. It just happened one-by-one, you know, one after another.

So, nakakatuwa lang tingnan and you got to do different roles, sa pelikula pa,” banggit niya.
Marami pa raw ang gusto niyang gawin.

In fact, may naisip nga raw siya na concept when he was in London at sana raw magawa niya.“Uh, more like ah, not ne-cessarily true-to-life story kasi baka magkademandahan.

More of fiction para mas safe but it is something more intriguing and interesting, mga ganoon that fuels me up. I don’t know what my purpose is or what else I’m supposed to do in this business,” sey ni Papa P.

With “Silong,” napaka-intense ng character nila ni Rhian. Naging closing film sa Cinemalaya XI ang “Silong” at happy naman daw sila sa na-ging feedback ng audience.

Hopefully, they will have the same respond kapag pinanood sa mga sinehan on Sept. 16.

Read more...