Masalimuot ang kuwento ng buhay ng mga kabataang artista ng Star Magic. Kung kilalang-kilala nga namin ang kanilang tagapamuno na si Direk Johnny Manahan ay hindi namin iisiping kinakapos pa ito sa pag-gabay sa kanyang mga nasasakupan.
Matutok sa kanyang mga artista si Mr. M, hindi ito masalita, pero sa tingin pa lang nito ay nakakaramdam na ng nerbiyos ang kanyang mga alaga.
Pero sa kabila nu’n ay may mga nakalulusot pa rin sa matinding disiplinang pinaiiral ni Direk Johnny, may malalakas ang loob pa ring hindi sumusunod sa kanyang pinaiiral na batas, tulad nitong si Enrique Gil na ginawang bar ang eroplano at nang malasing ay nang-abala na ng kanyang mga kapwa artista.
Pinagbibintangan pa ngayon ang mga kasama niyang artista sa flight, si-guro raw ay nilasing nang todo nina Jake Cuenca at Paulo Avelino si Enrique, kaya siya nagwala nang husto.
Tinutukan ba siya ng baril sa ulo para uminom? Kagustuhan niya ‘yun, kaya siya ang dapat managot sa kanyang aksiyon, hindi ibang tao.
Binabastos pa ngayon ng kanyang mga tagasuporta si Jessy Mendiola na nabastos na nga ng aktor, kailan pa naging tama ang mali, kailan pa nagkaroon ng kara-patang bastusin ng kahit sino ang kung tutuusi’y naging biktima pa nga ng senaryo?
Kundi kayang panindigan, huwag gagawa ng aksiyong makasisira sa kanyang sarili, ganu’n lang ‘yun kasimple. Kaya tama na ang pagtuturo ng ibang tao, tama na ang paninira sa taong nabastos na nga, ganern.