John Prats tatay na, Isabelle buntis sa 1st baby

john prats

Masayang i-binalita ni John Prats na magiging tatay na siya. Yes, buntis na nga ang kanyang misis na si Isabelle Oli sa kanilang first baby.

Sa kanyang Instagram account nag-post ang TV host-actor ng sonogram ng kanilang magiging anak na may caption na: “Can’t wait to meet our #BabyDynamite.

Thank you God for this wonderful blessing:)” Dinugtungan pa niya ito ng mensahe para sa kanyan asawa, “I love you @missisabeloli, I’m sure you’ll be a great mom.”

Ayon naman kay Isabelle, napaaga ang birthday gift sa kanya ng Diyos sa pagdating ng kanilang first “angel”. Aniya sa kanyang IG post, “Even though my birthday is still a month from now, God already gave me one of His best gifts.

We are happy to know that there will be a sweet addition to our lovely family.”

Read more...