Trak nabangin; 4 patay sa South Cotobato

T'boli
Apat katao ang patay habang dalawa pa ang malubhang nasugatan nang mahulog ang sinakyan nilang trak sa isang malalim na bangin sa T’boli, South Cotabato, kamakalawa (Martes), ayon sa pulisya.

Nasawi ang truck driver na si Darryle Gaje at mga sakay niyang sina Marlon Gal, Rene Boy Unggay, at Joemar Lambong, sabi ni Chief Insp. Aldrin Gonzales, tagapagsalita ng Central Mindanao regional police.

Isinugod naman sa ospital ang dalawa pang sakay ng trak na nakilala bilang sina Leo Caluna at Came Mark Blasa dahil sa mga pinsalang tinamo.

Naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga, habang minamaneho ni Gaje ang Isuzu Elf truck (GGS-183) sa Sitio Kinalom, Brgy. Salacafe.

Lumabas sa imbestigasyon na na-overshoot ng trak ang kalsada bago ito nahulog sa 100-metrong lalim na bangin, ani Gonzales.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang sanhi ng insidente

Read more...