Kailan magkakaroon ng maganda at regular na trabaho?

Sulat mula kay Andrea ng Barangay Granada, Bacolod City
Dear Sir Greenfield,
Dalawang taon na akong graduate ng HRM pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong maayos at magandang trabaho. Maraming kumpanya na ang pinag-aplayan ko pero puro pa-ngako lang at hindi pa rin ako tinatawagan. Kaya na-obliga tuloy akong mag-trabaho sa kung saan-saan na hindi angkop sa aking kurso. Pero ang mas masakit ay laging contractual lang ang napapasukan ko. Gusto kong magbago ang buhay ko kaya sana gusto kong malaman kung kailan kaya ako makakahanap ng maganda at regular na trabaho? Gustong-gusto ko na kasing magkaroon ng magandang trabaho dahil nahihiya na kasi ako sa mga magulang ko na hingi ako nang hingi ng pera, hindi ko man lang sila naintregahan. April 22, 1991 ang birthday ko. Sa ngayon ay wala pa rin akong boyfriend, kailan kaya ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa?
Umaasa,
Andrea Bacolod City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Maganda at tuwid ang Fate Line na tinatawag ding Career Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit hindi regular ang iyong trabaho, nakatutuwang sabihing halos hindi ka naman nawawalan ng income o pera. Ganoon paman, wag kang mainip dahil hindi matatapos ang taong ito ng 2015 ay magkakaroon ka na ng trabaho na related sa course mo.

Cartomancy:

Nine of Hearts, Queen of Clubs at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaking kasing edad mo rin, sa ika-siyam na buwang ito ng Setyembre, sa isang kilalang kumpanya na may kaugnayan sa pagkain, mapapasok ka na at sa nasabing trabaho doon ka na rin magkaka-boyfriend.

Itutuloy

Read more...