GLAM kung glam. Pabonggahan ng mga outfits. Patingkaran ng arrive. Exposition ng mamahaling mga alahas, bags at sapatos. Kaniya-kaniyang drama ng sweetness with their respective partners.
Iyan ang natunghayan ng marami sa katatapos lamang na Star Magic Ball na ginanap sa Grand Ballroom ng Shangri-La Hotel sa Makati.
Hindi naman kaila that in this business, one is being paired to another. Some remained unattached pero karamihan sa dumalo ay may kaniya-kaniyang bitbit na dyowa or ka-loveteam. Siyempre, kaniya-kaniyang eksena ang mga artista para mapansin.
Ordinaryo na ang hol-ding hands sa mga magka-loveteam or mag-lovers sa loob ng ballroom.
Siyempre, dahil maraming select members ng entertainment media, the stars must look favorable – sexy and glam. Yung iba have to act really sweet para hindi naman ma-left out sa publicity mileage that go with it.
And ang nakakaloka, marami ang nagsasabing parang isang lovers den ang nasabing grand ballroom dahil punumpuno ng kaechosang love in the air ang ambiance. Ilan sa mga nakitang sweet na sweet na pair during the event ay sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, si Kim Chiu at ang ka-date niyang si Xian Lim, at marami pang iba.
In fairness, cute naman daw ang pa-sweet moments ng mga youngstars natin at hindi maman garapalan.
Pero komento ng isang nakausap nating magulang, “Hindi na siya cute tingnan. Unlike awards night na behaved sila kahit they come in pair to either present awards or just be plain guests. Dito kasi, they serve liquors and really party. Kaya ang mga bata, they have the tendency to go overboard. Yung iba, nauuwi sa extra-curricular affairs. Alam mo iyon.
“I don’t find it cute – mahirap pagtiwalaan ang mga kabataan ngayon. Masyado na silang liberated.
Kaniya-kaniya kasi sila nang pabonggahan pero dala ng mga alak at sweetness, madalas na nauuwi sa pagbubuntis ang mga kababaihan pag hindi nakontrol,” anang isang nanay na nakausap namin.
But you know, ganoon talaga ‘kako sa showbiz – may ganito talagang events where most of them get the chance to bond with one another. Yung extra-curricular thing naman ay puwede namang mangyari even during ordinary days. This is just a glam night where they are able to show their best looks – kasi nga mga artista sila.
Kumbaga, all we need to give them is trust. Huwag naman nating i-judge sila as mahihina ang kalooban and may just check in sa nearest motels dala ng kalasingan. They may drink, yes, pero hindi naman to the point na aabot sa sobrang init na kailangang mag-ano – yung alam mo na. Pagkatiwalaan naman natin sila – hindi naman mga pokpokelya ang mga iyan, ‘no! Fun-fun lang naman itong Star Magic Ball.
“But you see naman how it goes. Nagpapalit-palit sila ng dyowa and sila-sila rin ang nagkikita sa loob ng ballroom. Kaniya-kaniyang taasan ng kilay. Plastikan at its maximum ang iba sa kanila.”
Yung iba, yung normal na holding hands ay napipi-litang maging extra sweet – yung mga cleavage ng iba ay nagmumura na sa suot na mga gowns. Natural na mag-iinit ang mga kalalakihan and eventually ay sisimple sa mga kababaihan at pag pinalad nakaka-iskor. Ganoon lang i-yon eh. Hay naku, it’s just another venue para sa landian,” paninindigan ng nakausap natin.
Ok! Fine ! Whatever! May point naman actually ang kausap nating ginang pero ano pa nga ba ang magagawa natin? Alangan namang kontrahin ko siya, di ba? Basta ang pakiusap ko lang sa mga bagets, be responsible enough para na rin sa safety ninyong lahat ha. Vindicate yourselves sa bad thoughts ng kausap natin – hindi naman mala-yong mangyari ang iniiisip niya kung hindi kayo mag-iingat, di ba naman? Kasi nga, sa dami na ng mga nangyayaring ganyan – buntisan dito at buntisan doon, you can’t blame her.