ENGAGED na si Cristine Reyes sa kanyang live-in partner na si Ali Khatibi, ang tatay ng kanyang anak na si Amarah.
Kahapon sa kanyang Instagram account, nag-post ang dating sexy actress ng mga litrato nila ni Ali at ng kanilang baby, kabilang na nga riyan ang kanyang engagement ring.
Nilagyan ng aktres ng caption ang nasabing picture na: “Engaged.” Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Cristine tungkol sa bagong development sa relasyon nila ng kanyang Filipino-Iranian boyfriend.
Kung matatandaan, last year nang ibandera ni Cristine ang relasyon nila ng kanyang dyowa kasunod ng pag-amin na siya’y nagdadalang-tao.
Si Ali Khatibi ay kilala sa pagiging mixed martial arts fighter. Noong Feb. 8, 2015 nang ipinaganak ni Cristine si Amarah. At mula noon, tumigil muna sa pag-aartista si Cristine para maalagaang mabuti ang kanyang pamilya.