WALA pang planong magka-baby ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones. May isang taon na ring nagsasama ang dalawa pero hanggang ngayon ay wala hindi pa rin sila nagkaka-baby.
Kahapon sa grand launch ng bagong branch ng Kuya J restaurant sa SM Megamall Building A, nakausap ng entertainment press si Echo, siya kasi ang kauna-unahang celebrity endorser nito – at alam n’yo na siguro kung bakit si Jericho ang napili nila, di ba? Ha-hahaha!
Natanong nga ang Kapamilya actor kung may plano na ba sila ni Kim na magka-baby this year, tugon nito, “My gosh this is like the nth time. Pang-limang daang beses na yata kaming tinanong. Pero di pa eh. Pero honestly, wala pa kami sa stage nu’n.”
Komento naman ng colleague nating si MJ Felipe ng ABS-CBN, hindi na raw siya bumabata, hirit naman ni Jericho, “Ok lang fertile pa ko. Ha-hahaha! Malayo pa fertility ko. Kaya wala pang dapat ipag-alala. Ha-hahaha!”
Pero excited ba siya na magkaroon na ng little Kim or Little Echo? “Well you know, my spark sa mga mata namin whenever we talk about babies. But at the moment it’s more on ano eh our focus is on trabaho and our relationship. We want to be able to travel together.
“Kasi pag nakakapag tra-vel kaming dalawa, du’n kami nakakapag-focus sa relationship namin. Pag nandito kami parati kaming nagtratrabaho, ganu’n. Lagi siyang nagtratrabaho.
We always take care of a lot of things even family ganyan. To more getaways muna,” sey pa ni Echo.
Dagdag pa ng aktor, “Kaka-one year lang namin last May.
Maaga pa. Enjoy muna kaming dalawa. It’s kind of tough sa akin. Kapag may TV series and my family, friends, business, kailangan ko i-juggle maiigi.”
Kamakailan, sa isang hiwalay na panayam, sinabi rin ni Echo na kailangang paghandaan niyang mabuti ang pagiging tatay, “I want to be a good dad to our future kids so dapat I want to be there for her.
Ibig sabihin I want to be a responsible father. It’s a diffe-rent stage sa buhay ko, but right now we just can’t handle it yet.”
Ano naman ang reaksyon niya nu’ng tanghalin sila ni Kim na Fabulous Couple sa nakaraang Star Magic Ball 2015, “Na-enjoy namin yung gabing iyon. Lalo na si Kim.
Nag-enjoy siyang magbihis, diba? Para sa amin madali lang namang mag-tuxedo. But to be called on stage and sinabi nga na kami nga yung ano isa sa mga couples ng gabi, siyempre isang parangal yun, para sa amin it made the event more memorable.”
Naitanong din sa grand launch ng Kuya J resto kung nagkausap na sila ni Daniel Padilla, ang gumaganap ngayong Angelo Buenavista sa seryeng Pangako Sa ‘Yo na una niyang ginampanan ilang taon na ang nakararaan. Napapanood ba niya ang bagong version ng PSY?
“Hindi pa. Hindi pa kami nagkausap ni Daniel. Congratulations and ako’y busy pa mag enjoy ng break after Bridges of Love. I’m just…focus on a lot of things na personal ganyan.
Di ko pa siya nasisilip pero I heard it is doing well. Expected naman lahat ng tao na magiging maganda yung Pangako Sa ‘Yo.”
Kung may maipapayo siya kay Daniel bilang bagong Angelo, ano yun? “If they come to me for advice I would give them advice. I always say pag di naman humihingi…basta sa akin enjoy lang, you know.
Just enjoy the moment kasi whatever challenges ang pagdadaanan mo, at the end of the day tatawanan mo na lang yan, eh. Sasabihin mo charge to experience, so enjoy the moment.
Live a purposeful life.” Samantala, naniniwala ang mga tao sa likod ng Kuya J resto na malaki ang maitutulong ni Jericho sa mas lalo pang paglago ng kanilang negosyo.
Ayon sa mga executive ng Kuya J na sina Winglip Chang at Danny Pumarega, si Jericho ang perfect endorser ng kanilang resto dahil bukod sa napanatili nito ang kanyang wholesome image through the years, mahilig ding kumain at magluto ang aktor.
Reaksiyon ni Echo, “Yes, I’m the face of Kuya J. Ako si Kuya J. Ha-hahaha!” Talagang mahilig ka sa pagkain? “Yes. Masarap naman talagang kumain, so this, for me, perfect partnership kasi Pinoy na Pinoy ang Kuya J, lalo na yung crispy pata nila and kare-kare.
They’re from Cebu then pumunta sila dito sa Manila para i-share ang sarap ng mga food nila!”
So, ikaw talaga ang J? “Kuya J is lahat ng J sa buong Pilipinas na kuya.
You know J Jose, Jesus, Juan, di ba? Karamihan sa mga Junior ng mga tatay nila, yun ang tumata-yong parang responsible na kuya ng tahanan, di ba? Sine-celebrate nito not just the food but yung family na pina-ngungunahan minsan ng mga kuya.
Si kuya na mahilig magluto, mahilig manlibre, mag-alaga kay bunso, sa mga kapatid, kahit sa magulang. So yun ang essence ng Kuya J.”
Every time ba na pumapasok siya sa restaurant, you are reminded of your roots? “Oo naman. Kasi teenager pa lang ako konektado na ko sa food and sa service.
Nag-wai-ter din ako, una sa bahay namin. Pangalawa sa isang restaurant. I was 15 years old then, nagtinda ako ng isda sa palengke, so I’m really into food and service talaga.
Malapit sa puso ko. Masaya ako na nakikita ko na masaya yung mga pinagsisilbihan ko.”