ISA si Ken Chan sa pinaka-love kong kasamahan ni Michael Pangilinan sa Walang Tulugan ni Kuya Germs. Everytime na dumadalaw ako sa studio ay hinahanap ko talaga ang batang ito to say hello.
Napakabait kasi ng bagets at napaka-sweet. Plus the fact na guwapo and very pleasant kausap, parang ayaw mo nang umalis sa tabi niya. In short, isa iyan sa mga love kong young actors natin.
I may not see him as often as I want pero nagkaka-text kami minsan. Wala lang – kumustahan lang. And his mom always watches our Teleradyo show “Mismo” over DZMM. Parang family para sa amin si Ken Chan, another baby kumbaga.
Kaya nang malaman kong he leads the cast ng new TV series na Destiny Rose sa GMA 7, sobrang tuwa ko. Sabi ko sa loob-loob ko, Ken’s time has come. His star is starting to shine and I am very happy for him. Sana ‘kako magtuloy-tuloy na.
Kasi nga, napakabuting bata kaya dapat lamang na ipagdasal nating magkaroon siya ng sariling trono sa showbiz industry. Kungsabagay, pag itinakda ng tadhana iyan, no one can stop it. Believe me.
From the bottom of my hear, congratulations baby Ken. Just do good, galingan mo nang todo para matupad mo ang pangarap mong sumikat at magkapangalan nang bonggang-bongga. We love you anak. Mwah!