Sulat mula kay Jasmine ng Happy Homes,
Daet, Camarines Norte
Problema:
1. May ka-chat po ako sa ngayon at magwa-one year na ang aming relasyon. Actually boyfriend ko na siya at gusto na nya kami ay magkita. Ang kaso natatakot akong makipag-kita, kasi iniisip kong baka siya ay may asawa na.
2. Mas matanda kasi siya sa akin ng 8 years. August 14, 1990 ang birthday ko at February 16, 1982 naman ang birthday nya. Itatanong ko lang po kung compa-tible ba kami, at kung totoong binata siya, siya na kaya ang makakatuluyan ko?
Umaasa,
Jasmine ng Cheryl ng Daet, Camarines Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) at Aquarius naman ang ka-chat mate mo ang nagsasabing susuwertehin ka sa nasabing lalaki at kapag siya ang nakatuluyan mo, tuloy-tuloy na ngang papalarin ang iyong karanasan, hanggang sa may italang pangingibang bansa sa inyong dalawa ang nasabing lalaki.
Numerology:
Ang birth date mo namang 14 ay nagsasabing kung mayaman ang lala-king ka-chat mate mo o may kaya sa buhay, tiyak na siya na ang makakatuluyan mo, dahil ang birth date mong 14 ay nagsasabing isang lalaking may kaya sa buhay ang i-yong makakatuluyan at dahil sa nasabing pagaasawa aangat at yayaman din ang kabuhayan ng inyong pamilya.
Huling payo at paalala:
Jasmine ayon sa iyong kapalaran sa panahong ito ng period of Virgo, bibilis ang mga pangyayari sa i-yong buhay, kung saan, kahit na nagdadalawang isip ka, sa bandang huli ng iyong pagpapasya, makikipagkita ka parin sa ka-chat mate mo, upang pagkatapos ng nasabing unang pagkikita, magtuloy-tuloy ng mabuo ang isang masaya at matamis na relasyong hahantong sa isang maunlad at pang habang buhay ng pagpapa-milya sa ibayong dagat, na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2017 sa edad mong 27 pataas.