Yung iba tinututukan ng baril at ang ilan naman ay basta na lamang sinasakyan ang motorsiklo at scooter at hindi na nakakapalag ang may-ari dahil sa sobtang takot.
Ayon anti-hijacking unit ng Manila Police District, walong motorsiklo ang ninanakaw araw-araw.
Ang Maynila ay nananatiling numero uno pagdating sa nakawan.
Dapat malaman ng mga taga-Mindanao ang isa sa mga insidente ng pagnanakaw ng motor na nangyari sa labas ng himpilan ng pulisya sa Maynila.
Pumunta ang isang messenger sa MPD headquarters sa UN Avenue upang kumuha ng mga dokumento at ipinarada ang kanyang bagong company service sa paradahan sa labas ng MPD Press Corps.Paglabas niya ay wala na ang kanyang motorsiklo, at ang nakakapagtaka ay walang nakapansin habang ninanakaw ito.
Take note, sa himpilan ng pulisya ito mismo nangyari.
Sinisisi ng mga riders ang ignition slot ng mga bagong motorsiklo na madaling iikot gamit ang screw driver, o ng pick lock, o kaya ay isang customized all-motorcycle key.
Kapag naikot na, madali nang mapaandar ang motosiklo.
Hindi na rin umuubra ang paggamit ng handle bar lock dahil na-master na ang mga magnanakaw ang pagkalas nito.
Maaari ring gumamit ng second ignition switch pero hindi nito masisiguro na hindi na mananakaw ang motorsiklo kundi maaari lamang patagalin ang trabaho ng magnanakaw.—Lito Bautista, Leifbilly Begas
Tips para iwas- nakaw ang motor
MAYROONG mga tip na ibinigay ang leatherup.com upang mahirapan ang mga magnanakaw na mapaandar ang pinag-iinitang nakawing motorsiklo:
Bago iwanan ang motorsiklo, dapat siguruhin na naka-lock ang ignition at kung meron maaaring maglagay din ng fork lock na katumbas ng steering lock sa mga kotse.
Maaari ring maglagay ng hidden switch o spring-loaded switch na kailangang pindutin upang umandar ang makina ng sasakyan.
Kung matagal na iiwanan ang motorsiklo, maaari ring alisin ang fuse ng motorsiklo.
Uso na rin ang paggamit ng motorcycle disk lock.
Nakakabit ito sa disk brake motor kaya hindi aandar ang gulong kapag naka-lock ito.
Maaari ring gumamit ng wheel lock, may mga ibinebenta na universal na magagamit sa kahit anong brand ng motorsiklo.
Kung may pagkakabitan, maaaring gumamit ng chain-link lock o metal rope lock.
Huwag nang tipirin ang pagbili ng lock.
Mayroon kasing mga kaso na binubuhat na lamang ang motorsiklo at isinasakay sa truck o van.
Mas makabubuti rin kung hindi ipaparada ang motorsiklo sa pagitan ng dalawang malaking sasakyan gaya ng trak dahil nagsisilbi itong tabing upang maitago ang pagnanakaw.
Kung mayroong security camera sa paradahan, mas makabubuti kung sa harapan magpaparada. Sigurihin lang na gumagana ito. – Leifbilly Begas