‘It’s Showtime’ hindi na nakaiwas: Nahawa na sa AlDub fever, nag-pabebe wave pa

HINDI na rin nakatiis at maging ang kalabang noontime show ng Eat Bulaga ay nakisakay na rin AlDub fever.

Ito ay matapos banggitin sa  “It’s Showtime” noong September 11 episode nito ang tungkol sa Kalye Serye ng Eat Bulaga at mag-pabebe wave pa si Vice Ganda.

 

Tsika ni Vice Ganda sa co-host nitong si  Vhong Navarro na balak nilang imbitahan ang AlDub para manalo ito sa ““Clash of Celebrities” segment ng kanilang noontime show.

“Panalo naman kayo eh. Kung kailangan niyong i-guest ang AlDub, gawin niyo para manalo kayo,” komento ni Vice Ganda.

At pagkatapos non ay nag-pabebeb wave ito gaya ng ginagawa ni Alden Richards, na ikinatuwa naman ng kanyang mga manonood.

Una nang inamin ni Anne Curtis, isa mga mainstay ng “It’s Showtime” na meron ngang rivalry sa pagitan ng kanilang programa at Eat Bulaga.

“I think it’s great. It goes to show that people are still into noontime shows. So I think it’s great,” paliwanag ni Anne.

 

Read more...