Alex Medina bilib na bilib kay Angelica: Grabe si Madam Claudia!

alex medina

Isa sa mga karakter sa seryeng Pangako Sa ‘Yo na inaabangan talaga namin ay si Simon na ginagampanan ni Alex Medina. Siya ang secret lover ni Madam Claudia (Angelica Panganiban). Bukod kasi sa magaling umarte ay marespeto pa ang binata sa entertainment press.

Sa interview ng ABS-CBN, sinabi ni Alex na proud na proud siya sa pagkakasali sa Pangako Sa ‘Yo, “Actually before nung tinatanong ako ng Star Creatives kung puwede daw ako, sabi ko tatapusin ko lang yung isang project ko pero gusto ko talaga mag-Pangako Sa ‘Yo kasi yung Pangako ang nagsimula ng teleseryes sa bansa natin di ba?

“Dati kasi afternoon lang, di ba? Tapos paglabas nu’n naging primetime siya. Parang nakakatuwa na honored ako na kumbaga the teleserye that started it all and now I’m part of that teleserye.

“Kasi mag-iiba na yung phase na yun eh, meron ng Forevermore, meron na yung mga kiligserye so natutuwa ako na naging parte ako nung telenovela o teleserye na culture,” chika ng binata.

Ayon pa kay Alex, working with Angelica sa Pangako Sa ‘Yo, ay isang malaking challenge sa career niya. At aniya, ibang-iba si Madam Claudia sa tunay na Angelica, “Ano siya, professional at tahimik pag ganun.

Tahimik lang siya tapos pag rumolyo na yun na yun. Intimidating si Madame Claudia kaya maganda yung nagagawa niya for the character.

Kahit ako natutuwa ako na parang grabe si Angelica gumanap, iba yung hold niya sa character niya. Ibang klase. Talagang madam siya.”

Read more...