Yassi Pressman: Di pa rin nagbabago sina James at Nadine kahit sikat na!

yassi pressman

DIRETSONG inamin ni Yassi Pressman na nag-audition siya sa seryeng Pangako Sa ‘Yo para sa karakter na Bea Bianca, ang third party sa loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ayon kay Yassi nang makorner ng entertainment media sa press launch ng kanyang newly-released self-titled album under Viva Records, “Oo nga po, kumalat ‘yon. Parang minsan nagising ako, nagti-trend sa Twitter, ‘Yassi for Bea Bianca.’

“Yung Pangako Po Sa ‘Yo, nakapag-audition ako diyan. Hindi ko alam kung paano lumabas (ang balita), pero lumabas po siya,” sey ni Yassi. Wala naman daw sama ng loob si Yassi sa paglabas ng balita, at sa pagbagsak niya sa audition.

Samantala, napanatili ni Yassi ang magandang friendship nila ni Nadine Lustre at ni James Reid na nakasama niya sa mga pelikulang “Diary Ng Panget” at “Talk Back And You’re Dead.”

“Nagkikita pa rin kami after work, kadalasan madaling-araw. Wala kasi kaming free day. Nagkikita kami sa coffee shop, kung saan po yung location. Like the other day, nagkita-kita kami, nasa Banawe kami ni Andre [Paras], sila nasa set ng On The Wings of Love,” sey ni Yassi.

Dagdag pa niya kahit sikat na sikat na ang JaDine ay humble pa rin ang magka-loveteam, nananatili pa rin ang mga paa nila sa lupa, “Hindi nagbabago sina Nadine at James, kumbaga napapagod lang.”

Speaking of Yassi’s album, in fairness, may karapatan naman si Yassi na magkaroon ng album dahil maganda ang boses niya at hataw mag-perform. Hands on daw talaga siya sa pagbuo ng kanyang debut album.

Sey ni Yassi, “We were conceptualizing this whole album, kung paano namin ila-labas, kung paano namin gagawin. And I was guided by so many amazing people, mga nagsulat ng songs.

“And meron din isa na ako ang co-writer, ang ‘Possibility of You and Me,’ isa rin experiment, an experience. And I’m super super blessed na binigyan ako ng ganitong chance.

And featured artist sa album ko sina Nadine at Andre (Paras),” aniya pa. Sey pa ni Yassi na tinaguriang “Princess of the Dancefloor”, hindi raw niya akalaing bibigyan siya ng pagkakataon ng Viva Records na maging recording artist pero aniya, matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng album kaya nang mag-offer sa kanya ang Viva ay talagang na-shock siya.

Dream come true raw talaga ito para sa dalaga. Her self-titled album has 6 original tracks kasama na ang current single niyang “Lala”, “Di Ko Alam” with her friend Andre Paras, ang “Hush” featuring Nadine Lustre, “Walang Unahan”, “Dahil Sa’yo”, at “The Possibility Of You And Me”.

Para sa singer-actress, ang kanta niyang “Hush” ang pwedeng maging themesong ng buhay niya ngayon, “Fee-ling ko kasi kahit anong araw dahil tungkol siya sa pagiging strong, sa pagiging outspoken, sa pagsasabi sa mga tao na… yung mga nagsabi sa’yo na ‘di mo kaya pero kaya mo pala.

Ito ‘yung ‘Hush, makinig sa’ming sasabihin, makinig sa kaya naming gawin.” Available na ang self-titled album ni Yassi sa mga record bars at maaari rin itong ma-download sa Spotify, Deezer, Guvera, Rdio at iTunes.

Bukod sa kanyang album, may dalawang pelikulang tinatapos ngayon si Yassi, ang “Wam Fam” kung saan makakasama niya si Andre Paras na showing na sa November at ang “Girlfriend for Hire” na ipalalabas sa unang quarter ng 2016.

Read more...