NAINIP si pambansang kamao Manny Pacquiao habang nanonood ng laban ni Floyd Mayweather kontra Andre Berto at piniling maglaro ng piano sa cellphone para malibang.
Nagpost si Pacquiao ng video habang naglalaro ng piano sa kanyang cellphone habang nakahiga sa kanyang kama.
“What I do when I’m bored,” sabi ni Pacquiao sa kanyang post.
Ito na ang huling laban ni Mayweather bago siya magretiro sa pagboboksing.
Gaya nang inaasahan nanalo si Mayweather sa kanyang laban matapos ang iskor na 117-111, 118-110, 120-108, para makuha ang rekord ni Rocky Marciano na 49-0.
MOST READ
LATEST STORIES