Horoscope, September 13, 2015 | Bandera

Horoscope, September 13, 2015

Madam Sophia - September 13, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Dahil sa sobrang kabaitan mauubos agad ang pera. Hindi masamang mamigay, pero wag naman sobra. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pagpakitaan ng sobrang pagmamahal ang kasuyong Taurus. Mapalad ang 4, 18, 26, 33, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava”. White at lilac ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Tigilan na ang madalas na pambubulyaw at pang-aaway sa kasuyong Virgo. Mas okey kung magiging mahinahon ka sa iyong mga kasama, upang lalo ka pang pagpalain ng kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Orange at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Venus ang ruling planet ng Taurus. Ibig sabihin basta’t lagi ka lang na maporma, magpaganda at magpa-sexy, sa pinansyal at pag-ibig siguradong uunlad at magiging maligaya ka. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahwiaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om-Mahatha.” Pink at maroon ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Dahan-dahan lang ang dapat upang hindi madupilas ng diskarye. Wag ng ulitin ang nakaraang mga pagkakamali. Sa pinansyal sa unti-unting pagiipon ng pera yayaman ka. Mapalad ang 7, 13, 20, 29, 37 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Slowly but surely.” White at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Para magka-roon ng kasuyo laging magsuot ng kulay na green. Sa pinansyal, green din ang hihigop ng positibong kapalarang may kaugnayan pera. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Bukod sa green at buenas din ang blue.

Leo – (July 23 – August 22) – Wag makinig sa mga intriga. Sa isang maling balita may pagsubok na darating. Sa pera at relasyon, sa panahon ngayon marami talagang problema, kaya dapat kang magpakatatag at matutong umunawa at magtipid. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Yellow at purple ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Tumulong sa mga nangangailangan, upang lalo kang suwertehin sa aspetong pang-pinansyal. Sa pag-ibig, sa isang charitable work makakasumpong ng true love. Mapalad ang 4, 17, 26, 32, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Green at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Talagang mabilis nmaubos ang pera. Ilunsad mo na kasi ngayong ang malawakang pagtitipid. Kumbinsehin ang bawat miyembro ng pamilya na magtipid na din. Sa ganyang istilo ng pammuhay mas madali kayong uunlad at yayaman. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Green at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Sa pag-ibig upang magtuloy-tulopy ang ligaya, panatiliin ang pagiging wholesome at sexy. Hindi dapat gumasta ng malaking halaga sa pagpapaganda konting exercise lang at sapat na dieta. Mapalad ang 8, 14, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yumana-Pad-Meh Om.” Silver at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Isaisang tabi mo muna ang panghihina ng loob. Tanggalin ang pag-aalinlangan, tiwala sa sarili ang kailangan upang lumigaya sa pakikipag-relasyon. Sa pangangalakal, magtiwala sa sariling kakayahan, – kayang-kaya mo namang magpayaman! Mapalad ang 7, 16, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om”. Green at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – May bagong kalakal na iaalok ang isang kaibigan. Kung siya ay isang Taurus sunggaban agad upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kasuyong Virgo, haguran siya ng noo at imasahe. Mapalad ang 6, 15, 24, 32, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Om.” Magenta at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Mahihirapan kang mag-desisyon dahil may isang kaibigan na naman ang lalapit upang mangutang. Piliin lang ang mga papautangin – silang may kakayahan magbayad. Sa pag-ibig, ipatago ang natitira pang pera sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 3, 15, 18, 21, 29, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Green at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) – Hindi dapat ipaubaya sa iba ang kapalaran. Wag kang asa ng asa sa ibang tao. Sa sarili mong diskarte ka yayaman at mas magiging maligaya. Mapalad ang 4, 11, 22, 29, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Grehan-Karan-Om.” White at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending