Roxas sablay na naman: Nag-happy anniversary sa Zambo siege

HINDI umano ang pagsalakay ng rebeldeng Moro National Liberation Front ang binati ng ‘happy anniversary’ ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas kundi ang pangingibabaw ng batas sa Zamboanga siege.
Ayon kay Roxas wala siyang intensyon na may masaktan sa kanyang pagbati sa insidenteng bumasag sa kapayapaan sa Zamboanga.
“Ang pinagdaanan natin noon ay naging pagsubok sa determinasyon at tatag ng mga mamamayan ng Zamboanga noong panahong nabasag ang payapang buhay dahil sa paglusob ng mga pariwarang miyembro ng MNLF,” ani Roxas.
Sinabi naman ni Palawan Rep. Franz Alvarez na hindi iniwan ni Roxas ang Zamboanga noong kasagsagan ng kaguluhan at patunay umano na pinahahalagahan niya ang probinsya.
“Mar was there on Ground Zero from Day One. And he has since made it his personal mission to help Zamboanga rise from the ashes. The latter is still a work in progress but Mar is the man in the arena. Not those who can only heckle from the sidelines,” ani Alvarez.
Mayroong mga hindi natuwa sa pagbati ni Roxas ng ‘happy anniversary’ sa isang insidente na hindi na umano dapat maulit.
Inalis naman ang ‘happy anniversary’ sa mensahe na naipost sa social media ng may pumuna rito.

Read more...