Horoscope, September 11, 2015 | Bandera

Horoscope, September 11, 2015

Madam Sophia - September 11, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung hindi ka mag-iisip ng paraan upang yumaman, hanggang ganyan ka na lang! Panahon na upang maging materyoso. Sa pag-ibig, nababato na ang kasuyo, umisip ng ibang paraan kung paano siya mapaliligaya. Mapalad ang 6, 12, 21, 33, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Mirabilis-Mira-Miraculum.” Pink at purple ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Iwasang sumalungat sa nakakarami, sa halip kailangang ma-gamit mo sila upang pagkakitaan. Sa pag-ibig manatiling handa sa anomang sitwasyong magdudulot sa iyo ng kalungkutan dahil ang kasunod naman nito ay wagas na kaligayahan. Mapalad ang 3, 15, 186, 28, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Gayatri-Om-Dheva.” Green at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Hindi tama na puro na lang ikaw ang tumutulong. Mag-isip ng paraan kung paano mo mapagkakaperhan ang mga taong umaasa sa iyo. Sa pag-ibig, hintayin ang kasuyo na maka-raos, hindi yong puro sarili mo lang ang iniintindi mo. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 34, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Veni-Vidi-Vici-Om.” Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Wag umasa sa biglang suwerte, sapagkat hindi mo ba alam “ikaw mismo ang suwerte”. Sa pag-ibig ay ganon din, kapag busilak ang iyong pagmamahal may maligayang relasyong matitikman. Mapalad ang 9, 15, 18, 21, 27, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om Rama.” Pink at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Baguhin ang ugali ng magbago din ang kapalaran. Sa pag-ibig, wag masyadong maging emosyonal upang hindi ka lumuha sa kangkungan. Sa salapi wag masyadong maluho sa pamumuhay, upang makaipon para sa future ng mga anak. Mapalad ang 2, 9, 20, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Vadya-Om.” White at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Ang mga lihim na transaksyon ang mas mabilis magpayaman. Sa pag-ibig, higit na mas masarap at mas maalab ang lihim na relasyon kaysa sa bunyag. Mapalad ang 3, 12, 27, 30, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Red at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi natutulog ang Diyos, ang natutulog ay ikaw. Manatiling mulat at alisto sa mga bagay na mapagkakaperahan. Sa pag-ibig, wag tulugan ang minamahal, kailangang-kailangan ka nya kaya siya nangangalabit. Mapalad ang 5, 14, 27, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Gold at silver ang buenas,
Libra – (September 23-October 23)—Magsimula ng magpayaman ngayon. Sa pag-ibig kung natutukso ka mang magtaksil, wag mo munang gawin, hangga’t hindi pa kayo mayamang-mayaman. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Jivana-Om-Narayana.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Upang hindi na mabigo sundin ang batas ng kabutihang asal. Iwasan ang labis na pantutuso at panlalamang sa kapwa. Sa pag-ibig, anoman ang ma-ging sitwasyon manatiling tapat sa kasuyong Taurus. Mapalad ang 3, 6, 9, 29, 38, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Apo-Roque-Apo-Roque.” Purple at magenta ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi dapat hanapin ang kaligayahan sa materyal na bagay. Pero hindi naman ibig sabihin nito ay hindi ka na magpapayaman. Kailangang yumaman, hindi para sa iyong sarili kundi para sa kinabukasan ng iyong mga anak. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Bheeja-Om.” Gray at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Habang pinagbubuti ang iyong ginagawa lalong kikita ng limpak-limpak na salapi. Sa pag-ibig, pagbutihin mo rin kaya ang romansa, upang hindi mabitin ang kasuyo. Kumain ng balot bago makipag-date upang lumakas ang iyong tuhod. Mapalad ang 7, 16, 19, 28, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.”. Gray at red ang buenas
Aquarius – (January 20 – February 18)—Payapang isipan ang susi upang yumaman. Wag guluhin ang sarili sa mga bagay na hindi ka naman siguradong kikita. Sa pag-ibig, kung patuloy mong paghihinalaan ang kasuyo, mag-ingat ka dahil sa bandang huli baka mabisto ka rin niya. Mapalad ang 9, 27, 33, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at blue ang buenas
Pisces – (February 19 – March 20)—Tiisin munang wag bilin ang mga bagay na hindi naman mahalaga, sa halip itago mo lang ng itago ang iyong pera hanggang sa dumami ng dumami. Sa ganyang paraan, hindi mo napapansin nagsisimula ka ng magpayaman. Sa pag-ibig, wag tiisin ang kasuyo kapag sabik na sabik na siya sa romansa, baka pag nawala siya ikaw naman ang maghabol. Mapalad ang 4, 7, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Upanisad-Aum-Jiva.” Pink at beige ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending