Horoscope, September 10, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Panahon na upang mag-concentrate sa mga bagay na pagkakape-rahan. Walang dapat gawin sa ngayon kundi ang magpayaman. Sa pag-ibig kapag mayamang-mayaman ka na lalong maglalaway sa iyo ang isang Libra. Mapalad ang 7, 15, 23, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Magiging matagumpay ang larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, maaaring kapusin pa rin. Ang pinakamabuting gawin ay mag-tipid. Hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap, mainam yan para lalo kang sumeksi. Mapalad ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Hindi uubra ang bait, dahil ang pagiging mabait ay hindi nagpapayaman. Sa pag-ibig, patuloy na pagpakitaan ng kabaitan ang kasuyong Capricorn, upang lalong lumago at umunlad ang inyong kabuhayan. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhanah-Om-Dhosya.” Green at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Higit kang uunlad kung isang kalakal na lang na may kaugnayan sa pagkain at sa nalalapit na kapaskuhan ang atupagin. Sa pag-ibig, upang hindi kayo magtalo hindi dapat paki-alaman ang kasuyo – magsasawa din yan sa mali niyang ginagawa. Mapalad ang 5, 18, 27, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at red ang buenas
Cancer – (June 22- July 22)—Huwag mawalan ng pag-asa! Kapag tuluyan ng nalusutan ang problema giginhawa ka na rin! Sa susunod na buwan, dadami na uli ang pera. Sa pag-ibig, u-nawain ang kasuyong sumpungin. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 28 at 35. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Yellow ang kulay ng Leo, kaya mas madaling magbabago ang kapalaran kung laging magsusuot ng kulay dilaw. Sa pinansyal at pag-ibig ang kulay yellow din ang magbibigay ng suwerte at dagdag pang ligaya. Mapalad ang 1, 10, 19, 35, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Aum-Kebalam.” Bukod sa yellow buenas din ang green.
Virgo – (August 23 – September 22)—Ngayon na ang panahon upang tapusing mabilis ang anomang ginagawa upang magkaroon ng “free time” sa mga gawaing magdadagdag ng kita. Panahon na para mag isip kung paano pa lalong uunlad at yayaman ang kabuhayan ng iyong pamilya. Mapalad ang 6, 15, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Arjuna-Om-Govinda.” Red at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa anomang sitwasyon ng buhay hindi dapat maging emosyonal. Laging tandaaan ang kasabihang: “Walang personalan, pera-pera lang!” Sa pag-ibig, wag seryosohin ang kasuyong Aquarius, paluluhain ka lang niya. Mapalad ang 2, 7, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Huwag paglihiman ang kasuyo upang ang relasyon ay hindi mabalaho. Sa pagiging tapat dagdag na ligaya ang makakamit. Suwerte sa produktong idenideliver at inilalako. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: Mapalad ang 2, 7, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Beeja-Om.” Beige at black ang buenas
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi na uso ang plastic ngayon! Matutong magpakatotoo lalo na sa negosyo upang mas madali kang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig ay ganon din, wag lokohin ang iyong kasuyo upang tuloy-tuloy na lumigaya ang inyong relasyon at maiwasang mawasak ang inyong pamilya. Mapalad ang 3, 9, 16, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet a white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa malayong lugar, mas malaking halaga ng salapi ang kikitain! Tama ang mungkahi ng kasuyo, posible nga kayong makapag-abroad na dalawa kung ngayon palang sisimulan nyo ng mag-ayos ng mga papels. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yosoda-Om.” Magenta at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi madaling magpatawad, ngunit kailangan mong gawin ito upang muling mabuo ang relasyon! Sa pinansyal, tandaang hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Ang mga Pisces ay kung ano-ano ang iniisip subalit kung matutunan mong mag-concentrate sa iisang larangan lang sa tumbok na panahon mas madali kang yayaman at liligaya. Pag-konsentretan mo na ang mga bagay na may kaugnayan sa pag-ibig at pag katapos ay tungkol naman sa pera ang pagbuhusan ng panahon. Mapalad ang 3, 14, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vah-Weh.”

Read more...