Sulat mula kay Wilmore ng Magsaysay st., Miputak, Dipolog City
Problema:
1. Sa October 7 ay magte-39 years old na ako. Ang kaso ay hanggang ngayon ay wala pa rin akong girfriend. Ang totoo ay ni minsan ay hindi ako pa ako nakaranas na magkaroon ng karelasyon. Ito ang dahilan kung kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung kailan kaya ako magkaka-girlfriend.
2. May nililigawan akong babae sa ngayon na isinilang noong February 2, 1979. Wala pa rin siyang boyfriend. May pag-asa kaya na maging girlfriend ko siya? At kung siya na ang magiging girlfriend ko, kailan naman kaya niya ako sasagutin? At kung sakaling maging nobya ko siya, siya na kaya ang babaeng mapapangasawa ko at makakasama sa pagbuo ng isang simple at masayang pamilya?
Umaasa,
Wilmore ng Miputak, Dipolog City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing ka-compatible mo ang babaeng kasalukuyan mong nililigawan na nagtataglay ng zodiac sign na Aquarius. Ang Aquarius at Libra ay kapwa pinaghaharian ng elementong air o hangin kaya nangangahulugan na malaki ang posibilidad na sa buwan ding ito ng Setyembre ay mapapasagot mo na siya.
Numerology:
Ang birth date mong 7 at 2 naman ang babaeng nililigawan mo ay nagkataong tugma at compatible din dahil ang 2 at 7 ay kapwa nagtataglay ng planetang Moon-Neptune. Ibig sabihin, sa sandaling naging girlfrend mo siya, tiyak na ang magaganap—makabubuo kayo ng isang masaya at maligayang relayson.
Luscher Color Test:
Upang mas madaling mahulog ang loob sa iyo ng babaeng nililigawan mo, mas mainam kung reregaluhan mo siya ng damit na kulay puti, green o kaya ay yellow. Sa nasabing regalo, mas madali mo na siyang mapapasagot ng “oo”.
Huling payo at paalala:
Wilmore, ayon sa iyong kapalaran, bilis at lakas ng loob ang susi upang ikaw ay magka-girlfriend. Kaya kailangan na pagkatapos mo siyang regaluhan ng nasabing damit na kulay green, puti o kaya ay yellow ay huwag ka nang mag-aksaya ng panahon, magtapat ka agad ng iyong pag-ibig. Kapag nagawa mo ‘yan, tiyak ang magaganap, tulad nang nasabi na, sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Setyembre bago sumapit ang edad mong 39 pataas ay magkaka-girlfriend ka na at ang nasabing babae na magiging girlfriend mo ang siya na ring mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habangbuhay ng pamilya.