‘Big announcement’ ni Luis sa The Voice Kids biglang naudlot

By Julie Bonifacio September 09,2015
share this

‘Big announcement’ ni Luis sa The Voice Kids biglang naudlot

By Julie Bonifacio September 09,2015
share this

vilma santos

HINDI natuloy ang gagawin sana na big announcement ni Luis Manzano sa last presscon ng katatapos lang na grand finals ng The Voice Kids.

Napag-alaman kasi namin from a source na may ihahayag si Luis na isang major decision in his life.
Sakto at nakausap namin ang butihing ina ni Luis at Governor ng Batangas na si Vilma Santos sa set ng still untitled movie niya with her son’s girlfriend Angel Locsin and Xian Liam.

Tinanong namin si Gov. Vi kung may alam ba siya tungkol sa big announcement ni Luis. “Siya tanungin ninyo. Siya na ang mag-a-anounce sa inyo,” nakangiting sagot sa amin ni Gov. Vi.

Feeling tuloy namin ay may idea na ang actress-politician sa kung anuman ang ia-announce sana ni Luis. But whatever it is, aprubado raw niya ang gagawin ni Luis.

“Yeah, he’s old enough to decide for himself. I think ang anak ko, he’s on the right track. Tama ang ginagawa niya. Pero para pakialaman ko, e, magaling ‘yun.

Magaling sa buhay, tama ‘yung ginagawa niya. So, happy ako kay Lucky. Proud ako kay Lucky,” diin niya. As far as Gov. Vi’s perso-nal earnings naman is concerned, wala na raw siyang hihilingin pa kay Lord. Okey na siya whatever she has now sa kanyang career, political and showbiz, at basta malusog lang daw sila.

“I’m just living comfortable enough. ‘Pag gusto ko magbyahe, pwede akong bumiyahe. May mga raket naman ako, awa ng Diyos. ‘Yung ganoon ba,” sabi nito.

Isa ‘yan sa mga dahilan kung bakit ayaw mag-level up ni Gov. Vi sa higher position in the government. Kapag mataas nga naman ang posisyon, mas malaki ang responsibidad sa bayan.

Afraid si Gov. Vi na baka hindi na niya magawang makapagbakasyon sa ibang bansa kasama ang kanyang buong pamilya as often as they can sakaling pumosisyon siya as Vice-President ng Pilipinas.

“E, alam mo sa abroad doon ko lang napi-feel ‘yung ordinary lang ako. Nakakapunta ako sa grocery at nakakapag-shopping ako na naka-shorts lang, alam mo ‘yun?”

Biniro tuloy si Gov. Vi ng ilang manunulat na pa-shopping-shopping na lang abroad. Meaning, ang dami na raw talaga ng pera ni Gov. Vi, “Nakaipon,” seryoso niyang sagot. “Nakaipon lang ako.

Ha-hahaha! Mga kapatid ko okey na, awa ng Diyos. Magaganda ang buhay nila.” No wonder at this point of her life, iwas na talaga si Gov. Vi sa sobrang stress at mas gusto na lang niyang balikan ang kanyang first love.

At ‘yan ay ang pag-arte sa harap ng kamera. Sa huling interview ni Ate Vi, nagsalita na siya nang tapos na hindi siya tatakbong VP sa 2016.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending