P91.4M nakuha ng grocery owner

lotto for site
Isang may-ari ng grocery ang nanalo ng P91.4 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 noong Agosto 30.
Pumunta na sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa Mandaluyong City ang nanalo upang kunin ang kanyang premyo.
Ang nanalo ay 54-anyos, may-asawa at tatlong anak. Siya ay nakatira sa Maynila. Siya ang nag-iisang tumaya sa mga lumabas na number combination na 7-10-14-31-40-45.
Ayon sa kanya ang mga numero ay bigay sa kanya ng kanyang hipag. Nagkakahalaga ng P60 ang kanyang taya ng manalo.
Plano niyang bumili ng bahay at lupa at palawigin pa ang kanyang grocery business.

Read more...