Mar pinasasagot sa kontrobersya sa pondo para sa Yolanda victims

Mar-Roxas
Dapat umanong harapin ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas ang mga batikos sa kontrobersyal na pamamahagi ng pondo upang tulungan ang mga nasalanta ng supertyphoon Yolanda.
Sinabi ni 1BAP Rep. Silvestre Bello na hindi dapat iwasan ni Roxas ang kontrobersyal na pamamahagi ng P10,000 hanggang P30,000 pera sa ilalim ng Emergency Shelter Assistance.
“Sec. Mar Roxas took credit for the distribution of ESA. He should man up, too, kung ngayon ay naglalabasan na ‘yung mga problema sa implementasyon ng programa,” ani Bello.
Ang ESA ang proyekto para matulungan na muling maitayo ng mga nasalanta ang kanilang bahay.
Mayroong mga balita na napunta ang bahagi ng pondo sa mga ghost beneficiaries.
Sa kanyang pagbisita sa Iloilo at Bacolod ay tinanonng ng media si Roxas kaugnay ng isyu subalit hindi niya ito sinagot at itinuro ang Department of Social Welfare and Development na siyang nangangasiwa sa pondo.
Ipinagtanggol naman ni Akbayan Rep. Barry Gutierrez si Roxas dahil sa pagkaladkad sa kanya sa isyu.
“The insinuation that Sec. Mar evaded questions on Yolanda because he was afraid of jeopardizing his 2016 candidacy is plain ridiculous,” ani Gutierrez. “The simple fact is, Emergency Shelter Assistance is under the DSWD. The reporter clearly knew this, but proceeded to ask the question anyway. We are all free to speculate as to why.”

Read more...