Hirit ni Ramon ‘Jun’ Magsaysay Jr.
Ni Liza Soriano
HINDI isyu ang edad para ituloy ang pagbibigay serbisyo sa bayan.
Ito ang mariing sinabi ni dating Senador Ramon Magsaysay, Jr., na isa sa mga mamanukin sa pagkasenador ni Pangulong Aquino at ng Liberal Party para sa darating na 2013 midterm elections.
Iginiit ng dating senador na bagamat maituturing na hindi na siya masyadong bata kung ikukumpara sa maraming tatakbo sa halalan sa susunod na taon, naniniwala naman aniya siya na “wisdom comes with age,” at masasabing ito ay isa lang sa kanyang mga lamang sa iba pang mga kakandidato, bukod pa sa dala niya ang apelyido ng ama na kinilala bilang “Man of the masses.”
“Seventy four years old na ako,” pag-amin ni Magsaysay sa Inquirer Bandera nang bumisita ito sa tanggapan nito kamakailan.
‘Healty and kicking’
Binalewala rin ni Magsaysay ang isyu tungkol sa kanyang kalusugan. “Kayang-kaya pa natin makipagsabayan sa kanila.
Basta I could take a one day rest every week, siguradong kaya natin ang bigat ng kampanya.”Pagtatapat pa ni Magsaysay sa Bandera na wala na umano talaga siyang balak magbalik-politika pa at nais na lamang i-enjoy ang pri-badong buhay.
Tutal nga naman, nagawa na rin niyang makapagsilbi sa bayan sa mahabang panahon, at nais na lamang ibuhos ang oras sa pamilya at ilang mga napundar na negosyo.
Pero iba nga naman daw ang tawag ng tungkulin, lalo na nang makita umano niya ang pagsusumikap ng administrasyong Aquino para i-reporma ang gobyerno.
Nagsimula umano siyang magisip-isip para bumalik sa politika nang maupo si Pangulong Aquino noong 2010.
Helping PNoy
“When Pnoy won in 2010 at nakita ko yung mga isinusulong niyang reporma, I thought I could be of help.
Parang naisip ko na I’d like to serve the country again in any capacity.
Gusto kung ipagpatuloy at tulungan ang Pangulong Noynoy Aquino sa isinusulong niyang reporma,” ani Magsaysay.
Hinangaan umano niya ang sinseridad ng pangulo para mabago ang bansa at maiangat ang buhay ng maraming mamamayan.
“Ang ating Presidente ay talagang his trying his best.
May moral kind of managing bureaucracy,” giit pa ni Magsaysay.
Bukod dito, nahirapan din siyang tanggihan ang mainit na “panliligaw” na ginawa sa kanya ng mga dating kasamahan sa Senado.
“Talagang kinumbinsi nila ako na dapat daw namin tulungan si Pnoy.
Mahalaga nga naman daw na magkaroon ng national unity para maipagpatuloy ang reporma.”
“Kung walang unity at walang reform ay hanggang doon na lang tayo sa mababa.
Pero nakita natin sa recent transparency and competitiveness tumalon ng mga 10 to 12 points ang Pilipinas, tumaas since nagkaroon ng mga reporma, kaya ako ay pumapasok para ipagpatuloy ito at tulungan ang ating Presidente,” ayon pa sa dating senador.
Nitong nakalipas na anim na taon, simula nang mawalay sa politika, ay negosyo ang naging pinagkaabalahan ni Magsaysay.
Meron siyang dairy farm, cable at broadband business.
Kamakailan lang din ay itinalaga siya bilang chairman ng Coconut Industry Investment Fund kasama ang dati ring senador na si Bobby Tañada.
2 Magsaysay sa 2013
Sa muli niyang pagtakbo sa Senado, sinabi ni Magsaysay na itutuloy pa rin niya ang pagdadala ng slogan ng ama na:
“Those who have less in life should have more in law.” Naniniwala siya na ito ang muling magbibigay sa kanya ng tagumpay, gaya ng tagumpay na dinala nito sa kanya noong 1995.
Hindi rin umano siya nangangamba sa pagpasok ng kanyang pamangkin ng si Rep. Mitos Magsaysay bilang senatorial candidate ng United Nationalist Alliance.
Kung papalarin anya siyang makapasok sa Senado sa muling pagkakataon isusulong niya ang economic development gamit ang natural resources ng bansa, quality education, livelihood and trabaho.
Editor: May tanong, komento o reaksyon ka ba tungkol sa artikulong ito? I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374.
Mga posisyon ni Magsaysay
SA pagbisita ni dating Senador Ramon “Jun” Magsaysay, Jr., tinanong din namin siya sa kung anu-ano ang kanyang posisyon sa mga pinakamahahalaga at maiinit na isyu ngayon at ganito ang kanyang mga hirit:
Reproductive Health bill
It divides the society. For me, family is personal and a private repsonsbility. Couples should be educated and then give them
option. I am not in favor that government should fund this.
Charter change
Not for now as we have a president who continues to unify the whole society. Logging
I am for selective logging.
We have to look at the New Zealand’s model. selective logging lang. It has to be very limited. Let us have more national park.
Mining
I am for responsible mining.
Abortion
Against ako diyan. It is morally and culturally wrong.
Divorce
I am not in favor of divorce meron naman kasi tayong annulment. Better yet, we must review this so it can be availabe to all.
Jueteng
As long as there is no accounting or paper trail and is used to corrupt, I am against it.
Same sex marraige
Hindi ako pabor dyan. It should be man and woman to enter a marriage.
Pork barrel
It must be fully transparent when they go and the costing of every project.
Peace process
It must be pursued in all aspects, economic, social, education, opportunities. Trust is important on both sies.
K to 12 educational
program
It is essential to be at par with the modern world for our youth. Global eco-nomy requires K12.
Plunder vs ex-President Arroyo
Nadismaya talaga ako sa nakalipas na administrasyon dahil sa mga su-nod-sunod na nakakagulat na pangyayari.
Yung Garci tape tapos yung fertilizer fund scam.
It was useless to stay in government during those times so patapos ng term ko nung 2007 parang ayaw ko na.
PH Sports
Dismal ang Philippine sports.
Masaklap ang kalagayan ng ating sports ngayondahil bumaba ang performance ng mga atleta natin.
Siguro merong pagkukulang ang gobyerno natin pero hindi naman kasi lahat kaya ng gobyerno natin, kailangan ng suporta ng private sector.
Kailangan siguro ng dalawang sports complex sa bawat lalawigan para sa mga atleta at ating mga kabataan.
Mga dapat mo pang malaman sa anak ng ‘Man of the masses’
15 anyos: Edad nang maging pangulo ang kanyang tatay na si Ramon Magsaysay Sr.
18 anyos: Edad nang mamatay sa plane crash ang ama sa Cebu.
De La Salle College: Kung saan siya nagtapos ng kursong mechanical engineering bago pumasok noong 1962 sa Harvard School of Business Administration.
Procter and Gamble: Naging engineer trainee siya rito noong 1960.
Caltex Philippines: Kung saan siya naging supervising engineer for operations
1965: Nang una niyang pasukin ang politika bilang kongresista ng lone district ng Zambales. siya ang pinakabatang mambabatas, sa edad na 27.
1992: Tumakbo sa pagka-bise presidente at running mate ni Miriam Santiago. Natalo kay Joseph Estrada.
1995: Tumakbo sa pagkasenador sa ilalim na Lakas-Laban coalition at ikatlo sa may pinakamaraming boto na nakuha.
P135 milyon: Ang kanyang estimated networth. I-giniit niya na ito ang networth ng kanilang kompanya.
Umamin din na meron siyang dollar account. “Of course I have one, because that is the major currency of the world”.
Kotse/sasakyan: “Wala akong sariling sasakyan, all my cars ay provided lang ng kompanya, hindi sa akin.
Bahay: “Galing din sa kompanya.”
‘May the best campaign win’
Ni Leifbilly Begas
HINDI nakikitang problema ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay ang pagtakbo ng kanyang tiyuhin na si da-ting Senador Ramon Magsaysay Jr. sa darating na 2013 elections.
“May the best campaign win,” saad ng kongresista na tatakbo sa ilalim ng United Nationalist Alliance nina Vice President Jejomar Binay at dating Pangulong Joseph Estrada.
Ang dating senador naman ay pambato ni Pangulong Aquino at ng Liberal Party.
Sinabi rin ng kongresistsa na walang personalan ang magiging laban niya sa kanyang tiyuhin.
“I will treat him like any other candidate” at sa huli ang mangi-ngibabaw ay kung sino ang mayroong magandang
advocacy.
Iba naman ang pahayag ng dating senador na Magsaysay. Anya, ang “magandang rekord” ang kanyang gagawing panlaban.