Final answer na: Duterte hindi tatakboFINAL and categorical: Hindi na nga tatakbo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagkapangulo sa darating na 2016 elections.
Ito ang deklarasyong binitiwan ni Duterte sa harap ng mga tagasuporta na nagsusulong sa kanyang naunsyaming presidential bid kahapon ng hapon sa Grand Men Seng Hotel sa Davao City.
“I am not running,” sabi ni Duterte.
Nauna nang iginiit ni Duterte na hindi siya interesadong tumakbo sa pinakamataas na posisyon dahil sa “flawed government system”.
Bukod dito, ayaw din umano siyang patakbuhin ng kanyang pamilya at higit sa lahat wala rin umano siyang bilyong-pisong pondo para tustusan ang pangangampanya kahit pa maraming negosyante ang nais na tumulong sa kanyang kandidatura.
Sa isang rally na inorganisa ng Mayor Rodrigo Duterte for President Movement sa Davao City noong Agosto, hiniling ni Duterte sa kanyang mga tagasuporta na bigyan pa siya ng oras para makapagdesisyon.
Sa panayam ng Inquirer kay Duterte halos dalawang linggo na ang nakararaan, sinabi nito na wala siyang balak tumakbo dahil sa may edad na siya.
Nauna nang sinabi ng kampo ni Duterte noong Linggo na may importanteng pahayag ang mayor kahapon.
Final answer na: Duterte hindi tatakbo
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...