P2 oil price hike idinepensa ng DOE

Mababa pa rin umano ang presyo ng produktong petrolyo ngayon kahit pa nagpatupad ng big time price hike ang mga kompanya ng langis kahapon.
Ayon kay Energy officer-in-charge Zenaida Monsada tumaas ng halos P2 ang presyo kada litro dahil sa pag-angat ng halaga sa world market.

“Depende how we look at it, consumers of course ayaw natin ng price increase, but international prices rose around $6 per barrel on the average last week. Thatâ™s P2 pag na-convert sa local,” ani Monsada.
Sinabi ni Monsada na umabot na sa P5 ang ibinaba ng presyo mula noong Hunyo kaya mas malaki pa rin ang ibinaba kaysa itinaas.
Inanunsyo ng mga kompanya ng langis ang pagtaas ng P1.75 kada litro ng presyo ng gasolina, P1.95 kada litro sa diesel at P1.85 kada litro ng kerosene. Ayon kay Monsada mahirap masabi kung bababa o tataas ang presyo dahil masyado umanong magalaw ang presyuhan sa pandaigdigang merkado.

“Di natin masabi kasi last week up down ang presyo. Napaka-volatile ng market,” ani Monsada na pumunta sa Kamara de Representantes kahapon para sa pagdinig ng budget ng kanyang ahensya sa susunod na taon.

Read more...