Ayon sa PAGASA nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo na nasa hilagang bahagi ng Luzon. Kaninang umaga ang bagyo ay nasa layong 1,795 kilometro sa silangan ng hilagang Luzon.
Mayron itong hangin na umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna. Umuusad ito sa bilis na 15 kilometro bawat oras pa hilaga-hilagang kanluran.
Ayon sa PAGASA maliit ang posibilidad na pumasok sa PAR ang bagyo kung ang kasalukuyang direksyon nito ang pagbabatayan.
Dalawa hanggang apat na bagyo ang inaasahang papasok sa bansa kapag Setyembre.
MOST READ
LATEST STORIES