Ai Ai galit pa rin sa reporter na nagbuking sa kanyang lovelife

aiai delas alas

INISNAB na’y iningusan pa raw ni Ai Ai ang PEP staff na si Arniel Serato. The isnaban incident happened during the last Bangus Festival in Dagupan where Ai Ai, together with some Kapuso stars, was there.

Arniel was there to cover the event and they were billeted at the same hotel. When the press arrived, and that includes Arnel, pinagkakaguluhan sa entrance ng hotel ang grupo nina Ai Ai.

Merong nag-i-interview at merong nagpapa-picture. Nag-attempt na sumali sa interview si Arniel pero kaagad siyang nakita ni Ai Ai kaya naman dinedma raw siya nito sabay talikod.

Why was the komedyante behaving that way to Arniel? It is because she hated him for wri-ting na meron na siyang dyowa, ang current boyfriend niya nga-yon.

Hindi nagustuhan ni Ai Ai na na-scoop ni Arniel ang chika mula pa sa kampo niya. Ang siste kasi, ka-FB ni Arniel si Ai Ai and through a private message ay tinanong niya ito kung boyfriend niya ang napapabalitang 22 year old guy.

Ang BF pala ni Ai Ai ang ka-PM ni Arniel who asked Ai Ai kung sasagutin ba niya ang tanong ng reporter. Since sabi ni Ai Ai ay kilala niya si Arniel ay sinagot niya ito at inamin ang kanilang rela-syon.

Ayun, lu-mabas ang scoop ni Arniel na siyang ikinagalit ni Ai Ai. It has been over a year na pero Ai Ai has not moved on since then. Galit pa rin siya.

Read more...