Lugi ng LRT1, taumbayan ang magbabayad

SIYAM na buwan bago umalis sa pwesto, i- naprubahan ni Pangulong Aquino ang bagong public-private partnership (PPP): LRT6 (P64.7B) , LRT4 (P42.89B) , LRT2 (west extension-P10.11B) para sa Cavite Rizal, at Maynila.

Ang LRT6 ay extension ng LRT1 na may habang 19 kilometro at dadaan sa kahabaan ng Aguinaldo highway mula Bacoor hanggang Dasmariñas, Cavite. Ang LRT4 ay itatayo naman mula sa EDSA-Ortigas hanggang sa Taytay, Rizal at may habang 11 kilometro at kokonekta sa istasyon ng MRT3.
Ang LRT2 West Extension ay aabot sa Pier4 mula Recto station at magkakaroon ng ista- syon sa Tutuban at Divisoria.
Sa ngayon, ginagawa na ang East Extension ng LRT2 mula Marikina hanggang Masinag-Antipolo. Nakakasa na rin ang MRT7 na manggagaling naman ng San Jose Del Monte Bulacan, dadaan sa Commonwealth Ave. hanggang SM North-Edsa.
Nakakatuwa na sa wakas, magkakaroon na tayo ng karagdagang mass transport system kahit parang na-tengga yata ng limang taon at ngayong paalis na ay saka nagmamadaling tapusin.
Meron kayang “kolatilya” ito? Abot-kaya ba ng taumbayan ang pamasahe?
Nang buksan ang MRT 3, LRT1, LRT2, tuwang tuwa ang tao dahil mura ang pasahe at subsidized noon ng gobyerno kahit pa sabihing “deficit spending” o maliit ang budget nito.
Ngayon, PPP ang patakaran ni PNoy kung saan pribadong sektor ang magtatayo at walang pondong manggagaling sa gobyerno. Maganda sana, pero alam niyo naman ang track record ng mga negosyante sa bansa.
Walang ibang direksyon kundi itaas nang itaas ang mga bayarin. Nakita natin iyan sa MWSS (Maynilad, Manila water) Meralco, government toll roads (NLEX-SLEX).
Tingnan niyo ang PPP contract ng gobyerno at Ayala-Manny Pangilinan-Light Rail Manila Consortium LRMC) sa LRT1 (Roosevelt-Monumento-Bacoor). Ito pong LRT1 ay kumikita at hindi naluluging negosyo dahil maganda po ang patakbo nito sa ngayon sa ila-lim ng DOTC. Pero, ibinigay pa rin ng Malakanyang sa pribadong sektor at nilagyan pa ng “sovereign gua- rantee”. Ibig sabihin, ang lugi ng consortium ay sasagutin ng gobyerno.
Isipin niyo, hindi pa nakakapagtayo ng kahit isang “posteng duling” ang pribadong consortium, sumisingil na ito ng P7.5-B penalty mula sa DOTC. Ang kabuuang “concession agreement” ay nagkakahalaga ng P65-B ng LRT1 pero sa ngayon ang tinanggap pa lamang ng gobyerno mula sa kanila ay 10% ng concession fees o P935M pesos.
Ano ba iyan? Hindi ba panggigisa sa sariling mantika natin ang nangyayari sa LRT1 PPP na iyan? Gobyerno na yata ang namimigay ng puhunan dito sa LRMC!
Hindi pa natin pinag-uusapan diyan ang mga pasahe sa LRT1, LRT2 LRT4, LRT6 na tataas daw ng 15 percent kada isa o dalawang taon.
Sellout ang tawag ko sa mga transaksyong ito. Kumikita naman, ibinigay pa sa mga negosyante nang sagot pa ng gobyerno ang lugi.
DOTC Sec. Joseph Abaya, ang bait niyo naman at magbabayad ka na agad-agad ng P7.5B penalty sa LRT1 Concessionaire na wala pa namang ginagawa?

Read more...