Kris, Bimby wagi sa 25th SKAL Int’l Tourism Personality Awards

kris aquino

Kinilala ng travel at tourism professionals ang ABS-CBN bilang TV Station of the Year habang ginawaran naman ng hall of fame award ang Kris TV sa travel show category sa ginanap na 25th SKAL International Tourism Personality Awards kamakailan sa New World Hotel, Makati.

Pasok rin sa Hall of Fame para sa SKAL International Tourism TV Host category ang Queen of All Media na si Kris Aquino, habang ang kanyang anak naman na si Bimby ay wagi naman bilang SKAL International Youngest Tourism Media Personality.

Ang SKAL International Tourism Personality Awards ay taunang nagbibigay pugay sa mga indibidwal na malaki ang kontribusyon sa industriya ng turismo.

Ang awards ay binibigay ng iba’t ibang chapter ng SKAL International, isang grupo ng travel at tourism professionals na nabuo noon pang 1932 at layuning itagu-yod ang global tourism.

Kasabay ng 25th SKAL Awards ngayon taon ang pagdiriwang din ng ika-34 na anibersaryo ng SKAL-Makati chapter.

Ito na ang ika-13 na Best TV Station award na natanggap ng Kapamilya network mula sa iba’t ibang prestihiyosong local award-giving bodies ngayong taon.

Read more...