Binabawi ang mister (2) | Bandera

Binabawi ang mister (2)

Joseph Greenfield - September 07, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jamsin ng Lima, Pastrana, Leyte
Problema:

1. Bago ko napangasawa ang mister ko ay may dati na siyang na ka-live-in. Sabi ng mister ko ay hindi daw sila kasal nito, kaya ng magkahiwalay sila ng ka-live-in niya at niligawan nya ako at nang sinagot ko naman siya ay pinakasalan nya ako kaya kami nga ang na-ging legal na mag-asawa. Ang problema walang ano-ano, bigla na lang lumutang itong dating ka-live-in ng mister ko at nakipagkita sa kanya at may anak pala sila. Nagkausap kami ng dating ka live-in ng mister ko at ang sabi nya sa akin, kahit daw ano ang mangyari babawiin nya daw sa akin ang mister ko.

2. Alam nyo Sir natatakot ako sa susunod na mangyayari, may habol ba sa mister ko ang babaing ito at maaari bang magkatotoo ang kanyang banta, na kahit ano ang mangyari ay kukuhanin nya sa akin ang mister ko? Ano po ba ang nakikita nyo sa aking palad, darating kaya ang panahong iiwan ako ng mister ko at muli siyang magbabalik sa kanyang ka-live in? November 7, 1990 ang birthday ko at July 2, 1982 naman ang birthday ng mister.
Umaasa,
Jasmin ng Leyte
Astrology:

Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) at Cancer naman ang mister mo ang nagsasabing compatible kayo, dahil ang Cancer at Scorpio ay kapwa nagtataglay ng elementong water o tubig. Ibig sabihin, anoman ang mangyari, kayo na nga ang itinakda ng kapalaran upang magsama habang buhay.

Numerology:

Dagdag dito hindi lang kayo sa Astrology o zodiac sign magka-compatible ng mister mo, bagkus compatible din ang birth date mong 7 sa birth date niyang 2. Ibig sabihin, kahit na anong paghahabol ang gawin ng dating ka-live in ng mister mo, wala siyang magagawa sa nakatakda – mananatiling tapat at mananatili sa iyong piling ang mister mo.

Graphology:

Ang lagda mong hindi naman magulo sa halip suwabeng-suwabe ang pagkakasulat ang nagsasabing anomang mga pagsubok ang dumating sa iyong buhay, sa bandang huli ikaw parin ang lagi ng mananaig at magtatagumpay.
Huling payo at paalala:

Jasmin ayon sa iyong kapalaran, wala namang problema kung naghahabol man ang dating ka-live in ng mister mo sa kanya, dahil ang totoo pera lang o sustento para sa kanilang anak ang habol nya. Magagawa naman itong ibigay ng mister mo sa kanyang anak sa dati nyang ka live-in sa kundisyong hindi na kayo guguluhin ng mga ito. Sa ganoong usapan, tiyak ang magaganap – sa bandang huli, mase-settle din ang lahat – hindi na kayo guguluhin ng dating ka-live in nya, habang ang pagsasama nyo naman ay mananatili legal at magpapa-tuloy na maligaya habang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending